Chapter 5 (Green-Minded)

15K 339 1
                                    

Isang buwan na pala akong nagpapanggap na nanay ni Min Joon, at hindi ko man lang napansin. At sa isang buwan na yun ay hindi na ako masyadong sinusungitan ni Kai. Ewan ko, pero kahit hindi niya ako ganun kinakausap ay hindi na niya ako pinapagalitan. Para sa akin mabait na yun, ikumpara mo namam sa dati hindi ba?

Nagluluto ako ng dinner para sa amin. Ipinangako kasi ni Kai sa bata na uuwi siya ng maaga ngayon para sabay-sabay kaming kumain ng dinner. Naisip ko rin naman na magluto para kahit papaano ay matikman nila ang luto ko.

"Daddy!!!!!" Narining kong sumigaw si Min Joon, andyan na ang Daddy niya.

Lumabas ako ng kusina para silipin sila.

"Good evening Kai. Gutom ka na ba? Malapit na akong matapos dito, saglit na lang 'to." Sabi ko.

Bumalik ako sa kusina at nagsimulang hiwain ang mga ilalagay ko sa lulutuin.

"Bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan si manang?" Sumunod pala si Kai sa akin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at pinapanuod niya ito.

"Gusto ko lang kayong ipagluto ni Min Joon." I smiled at tumingin sa kanya.

Hindi ko alam pero ng magkatinginan kami sa mata ay kinabahan ako. Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Owwww! Ay aray ko!" Shet kakatitingin sa kanya ay nahiwa na pala ako ng kutsilyo nang hindi ko napapansin.

Agad namang lumapit sa akin si Kai na kanina ay nakapamulsa lang. "Damn! Okay ka lang ba?" Aniya at hinawakan ang kamay ko. Binuksan niya ang faucet ng sink at hinugasan ang kamay ko.

"Teka dahan-dahan naman masakit!!!"

"Sir ano pong nangyayari?! Anong ginagawa niyo kay Ma'Am?! Anong masakit?! Hala Sir!! Bakit hindi kayo makapaghintay?! Jusmiyong mga bata ito!" Tarantang sigaw ni Manang.

Nakatalikod kasi kami mula sa pinto kaya hindi kami nakikita.

"Manang?! You're overreacting! Mali ang iniisip mo! Nasugatan siya ng knife. Pwede po bang kayo na lang magtapos ng niluluto niya?" Aniya.

Ano bang iniisip ni manang na ginagawa namin? 

"Ay sorry po, Sir. Sige ako na lang ang magtutuloy niyan." Sagot ni Manang.

"Tara muna sa taas at gagamutin natin yan." Ani Kai at sumunod naman ako.

Pumunta kami sa kwarto dala ang first aid kit. Habang ginagamot niya ito ay tahimik lang kami.

"Anong ibig sabihin ni manang?"

"Ha?"

"'Yung ginagawa daw natin?"

"Ah yun ba? She thought we're doing it." Sagot nito.

"It?" Anong it?

"Yung bagay na ginagawa ng mag-asawa. Stupid." He smirked.

Bagay na ginagawa ng mag-asawa? JUSKO?! Tama ba ang iniisip ko?

Ang green-minded pala ni Manang! 

"Gets mo na? Gusto mo iellaborate ko pa? Ang sabi ni manang tayo da-"

"Ahhh! Wag na! I get it. No need for further explanation!" Tinakpan ko ang tenga ko. Ayaw kong marinig pa mula sa kanya! 

"Okay. Sabi mo eh. Next time mag-iingat ka sa pag-gamit ng knife, ayan ang nangyayari." Aniya habang nilalagyan ako ng band-aid sa sugat ko. "Ayaw kong nasasaktan ang ina ng anak ko."

Napatigil ako sa sinabi niya. For a moment ay hindi ako nakapagsalita. "Pero hindi naman ako ang tunay niyang ina." Sagot ko.

"I know. But you are pretending to be his real mom. You did a great job." He smiled.

"Salamat."

Tumayo siya at tumapat sa level ng mukha ko. He was moving closer.

Is this a kiss? Will he kiss me?

I just closed my eyes. He touched my cheek and I felt his breath on my ears.

I could feel that he's very close to me. Ready to kiss me.

"MOMMY! ARE YOU ALRIGHT?!"

At dahil dun ay naglayo kami ni Kai. nakakahiya baka ano pang isipin ni Min Joon sa amin.

"Yes son, mom is fine." I smiled.

Napakamot naman si Kai sa ulo niya at medyo natawa. Ano bang iniisip namin at gagawin namin yun?!

"Eh ano po bang nangyari sa inyo?" Tanong ni Min Joon.

"Nasugatan lang si Mommy ng kutsilyo." Sagot ko.

"Okay mom, just be careful next time okay?" Aniya. I nodded. "and andito po ako para  sabihing ready na ang dinner." Dagdag nito.

"Yun. Then let's go?" Ani Kai.

Kumain kami ng dinner at tahimik lang kami. Kahit si Min Joon ay hindi nagsasalita dahil busy sa pagkain. Gutom talaga siguro.

"Dad, may meeting po ang parents tomorrow. Tapos po kakanta kami ng mga clasamates ko. Pwede po ba kayong pumunta?" Ani Min Joon.

"Son, you know that I can't. I have schedules for tomorrow and alam mong hindi ko maisasangat 'yan." Matigas na sagot nito.

Nakita ko namang sumimangot ang bata at binitiwan ang mga kubyertos.

Ano bang akala niya sa anak niya? Na kaya ng maintindihan ang mga seryosong bagay? Bakit hindi man lang niya pagbigyan ito?

"Kai, hindi ba talaga pwedeng pagbigyan ang bata? Gusto mo ako na lang ang pumunta?" Pagsabat ko.

"Oo nga Mommy, ikaw na lang." Masiglang sabi ni Min Joon.

"No. You're mom has chores dito sa bahay. She can't." Kai insisted.

"But why?"

"That's final. Wag ka ng sumali sa kanta para hindi ka na mapahiya." Aniya.

Tumakbo paakyat ng kwarto niya si Min Joon na masama ang loob.

"Ano bang problema mo sa bata?" Hindi ko na napigilang hindi magalit kay Kai. Nakakainis na! Ang sama niya!

"It's none of your business. Sumunod ka na lang kung ayaw mong mapahamak tayong lahat." Mahinahong sagot nito.

"Hindi eh! Tell me, bakit ayaw mo akong pumunta doon? I'm his mom! So it is my responsibility to do it!"

"Pwede ba?! I'm tired! Just stay out of this kung ayaw mong alisin kita sa trabaho mo." Aniya.

"You're unbelievable! Kung ayaw mong sumama ang loob ag anak mo sayo, learn how to give him importance!" 'Yun na lamang ang nasabi ko at umakyat narin ako sa taas para sundan si Min Joon. I'm sure he's crying.

I knocked on his door pero hindi niya ako pinagbubuksan kaya naman pumasok na ako.

Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at naririnig ko ang pigil niyang pag-iyak.

"Min Joon, anak. Tama na." Sabi ko while rubbing his back.

Humarap siya sa akin at umupo. Niyakap niya ako. "Bakit ganun? Dad is unfair! He's always unfair!" Aniya.

"Anak, hindi naman 'yon sinasadya ng Daddy mo. Busy lang talaga siya, I'm sure that he hates to do that. Wag kang magtatanim ng sama ng loob sa kanya. Naiintindihan mo ba si mommy?"

He just nodded. "Now go to sleep, I'm sure bukas papayag na yun." Sabi ko.

"Good night mommy." Matamlay na sagot nito. I kissed his hair and turned-off the lights.

I'm sorry Min Joon I don't know what to do. I'm really sorry.


Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon