Epilogue

15.8K 243 8
                                    


10 Years Later


Kai's P.O.V

Busy akong manuod ng t.v habang hinihintay si Hyeon Ki na kumukuha ng meryenda sa kusina. Weekend ngayon kaya naman, its family day. Simula ng ikasal kami ni Hyeon Ki sampung taon na ang nakakaraan ay napagkasunduan namin na "No work during weekends." Araw ng pamilya, araw naming dalawa. This is one of the reasons why our marriage is happy and strong until now. I still manage the hotels but I'm training Min Joon little by little kasabay ng pagtatapos niya sa pag-aaral. Bata pa si Kaila para sa mga ganitong bagay at willing naman si Min Joon na magtake over ng company sa tamang panahon.



Maganda na ang relasyon ng aming pamilya kay Soo Jin at Min Joon. Tuwing weekends ay dito natutulog si Min Joon, he has his own room dito sa bahay. Oo, complicated ang set-up namin, pero hindi na iyon mahalaga basta't alam namin sa aming mga sarili na masaya kami. Min Joon's a bit protective...I mean so protective with Kaila. He always warns her little sister about relationships kahit na 14 years old palang ito. Naiintindihan naman namin ni Hyeon Ki kung bakit ganoon siya sa kapatid niya. She's scared na matulad ang kapatid niya sa ina niya o sa kahit sinong babaeng naiwan. I bet, hindi kayang tumakbo sa resposibilidad ni Min Joon pagdating sa girlfriend niya. Lagi niyang sinasabi na gusto niyang maging katulad ko na buong-pusong hinarap ang responsibilidad noon sa kanya at kay Soo Jin.



I was about to stand up para puntahan si Hyeon Ki sa kusina ng biglang pumasok si Min Joon sa pintuan. He looks devastated and disappointed. Nagulat siya nang makita akong nakaupo sa sofa.



"D-dad.." Aniya at unti-unting lumapit sa akin.



"You're here. Kamusta na ang date niyo ni Nessa?" Nessa is Min Joon's girlfriend.



He just shrugged and sat beside me. "May mali ba sa akin Dad?"



Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Ano? Bakit mo naman natanong yan? Is there something wrong? May nangyari ba sa paglabas niyo?"



"She fooled me Dad. Sabi niya mahal ako, but it turns out na ginagamit niya lang pala ako para mapabuti ang business ng pamilya nia. Akala niya matutulungan ko siya sa kompanya nila if ever na magpakasal kami. Ginamit niya lang ako Dad. Hindi niya ako mahal."



I tapped his shoulder and sighed. "Did you gave her a chance to explain?"



"Naunahan na ako ng galit Dad, narinig ko ang usapan nila ng ex niya. Hindi ko na siya pinag-explain, malinaw na yun. Dapat ko pa ba siyang pakinggan? Dapat ba siyang patawarin?"



"Anak, you know how hard for me to forgive someone instantly, right? Alam mong yan ang hindi ko magawa noon. But when your Mommy Hyeon Ki came, lahat yan mabilis ko ng nagagawa. Why not let her explain? If she tells you that she really used you, then it's your choice if you'll give her a chance or you'll let her go. Kung sabihin niya hindi ka niya ginamit, choice mo parin yun."

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon