Chapter 21 (Hyeon Ki Day Part 2)

9.6K 202 4
                                    

Ngayon ang kaarawan ko at katatapos lang naming mag-almusal kaya naisipan nila Ate na mamasyal sa tabing dagat kasama si Mama, Kai at Min Joon. Nagpaiwan ako kasama ang Papa ni Kai dahil may gusto akong sabihin sa kanya.


"Ano ba yung gusto mong sabihin Ija?" Tanong niya ng umupo ako sa upuan katapat niya.


"Hindi ko pa po kasi nababanggit sa inyo na nililigawan na ako ng anak niyo at gusto ko po sanang kayo ang unang makaalam ng balak ko." Sagot ko.


"Talaga? Totoo ba yan? Nakakatuwa naman. Alam mo, sa una pa lang ay alam kong magkakaroon kayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. So anong plano mo?"


"Balak ko na po sana siyang sagutin ngayon. Birthday ko po pero gusto ko siyang bigyan ng regalo." I smiled.


"Masaya ako para sa inyo. Salamat at sa akin mo unang sinabi ito."


"Maganda pong malaman niyo dahil gusto ko po na mas maging malapit kayo sa isa't-isa ng anak niyo."


"Ija, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"


"Ano po yun? Kahit ano."


"Ilang araw ko na rin kasi itong pinag-iisipan. Maari ka bang magtrabaho sa kumpanya? Gusto ko sana ay head ng HR department. Nabasa ko naman ang resume na sinubmit mo dati nung nag-apply ka dun at nakita kong grumaduate kang valedictorian. Sayang naman ang natapos mo kung di ka magtatrabaho hindi ba? Wag mong masamain Ija, naisip ko kasi na kung nandun ka ay madali akong mapapalapit sa anak ko dahil sayo lang naman yun sumusunod. Kahit nagtatrabaho kami sa iisang kumpanya ay di kami nagpapansinan. Please, help me na makasundo siya." He begged.


I smiled. "Wag po kayong mag-aalala, pag-iisipan ko at itatanong ko rin po ito kay Kai kung anong masasabi niya." Sagot ko.


"Salamat ha. Pero sana wag mo na lang banggitin sa kanya ang rason ko kung bakit kita pinagtatrabaho dun ha. Baka kasi magalit lalo."


"Wala pong problema, ako na po ang bahala."


"Mabuti na lang at dumating ka sa buhay ng anak at apo ko. Ang swerte nila sayo"


"Mas swerte po ako sa kanila dahil dumating sila sa akin."


Kinagabihan ay naghanda kaming ng hapunan para pormal na icelebrate ang birthday ko. Andito kami sa tabing dagat at nakasuot ako ng floral dress pati na rin si Mama, si ate naman ay naka-sleeveless top at shorts. Ang mag-amang si Kai at Min Joon kasama si Tito Jun Yeon ay naka plain shirt naman at beach shorts.


Bago matapos ang gabing ito ay sasagutin ko na si Kai. Hindi ko na rin naman siguro dapat pa itong patagalin. Dapat wala akong takot na maramdaman kung babalik man si Soo Jin sa piling ng mag-ama dahil alam kong ngayon ay ako ang pipiliin nila.

Kinantahan nila ako ng happy birthday at kumain.


"Iseset ko na ang apoy para sa ating fire camp." Hayag ni Kai.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon