Sa mga nakaraang araw ay nasanay akong wala si Kaila sa akin pero hindi ko mapigilang hindi siya mamiss.
Narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad ito. "Si K-kai?" Bakit kaya siya tumatawag? May nangyari ba kay Kaila?
"Hello?"
"Are you busy right now? Pwede mo bang sunduin muna si Kaila dito sa ospital?" Aniya.
Agad akong inatake ng kaba ng marinig ko ang salitang ospital. "T-teka... bakit kayo nasa ospital? Anong nangyari? May nangyari ba kay Kaila? Kay Min Joon?"
"Sinugod namin si Min Joon sa ospital dahil sa pagsusuka at nilalagnat din siya. Ayoko naman namang magpaiwan sa bahay nitong si Kaila kaya sinama ko na dito. Kaso hindi ata makakabuting nandito siya. Dapat siguro ay kunin mo muna siya habang inaasikaso namin ni Soo Jin ang lahat dito sa ospital."
"W-wag kang mag-alala. Papunta na ako dyan. Hintayin niyo ako." Sagot ko. binababa ko na ang tawag at agad na umalis patungo sa ospital.
--
"Dengue daw. Akala namin simpleng lagnat lang kaya hindi na namin dinala sa ospital. Hindi naman namin akalaing aabot sa ganito. Hindi namin inisip na dengue dahil wala namang symptoms ng pamamantal ng balat, kaso ngayon lang ito nagsisilabasan." Saad ni Soo Jin habang pareho kaming nakatingin kay Min Joon na kasalukuyang nakahiga sa kama.
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Huwag kang mag-alala, malakas ang anak mo. Makakayanan niya ito."
"Salamat ha. Salamat din at kinausap mo siya tungkol sa akin. Unti-unti ay napapalapit na ulit siya sa akin."
"Don't thank me. Nagbigay lang naman ako ng payo sa kanya noon. Desisyon niya parin ang nagpatawad siya." Sagot ko.
"Daddy, gagaling na po ba si Kuya?" Tanong ni Kaila sa ama niya.
"Of course he will be okay. Hindi magtatagal ay makakapaglaro na ulit kayo."
We heard a sudden knock na sinundan ng pagbukas ng pinto. "Mr. Kim? Maaari ko po ba kayong makausap?" Ani ng Doctor
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...