AN: Because....Vacay na!! Power!
---
Patuloy ang pag-gamot ni Min Joon sa ospital at araw-araw akong dumadalaw doon. Ngunit sa mga nagdaang mga araw, nagbago si Kai. Nagbago sa puntong hindi na siya pumupunta sa ospital. Tinatawagan niya na lang ako para makibalita sa lagay ng bata. Hindi siya nakikipag-usap kay Soo Jin kahit pa si Soo Jin na mismo ang tumatawag dito. Nagpapadala na lang si Kai ng pera sa kanyang secretary kung sakaling may kailanganin sa ospital. Kahit na nagbago ang mga bagay, isang bagay lang ang hindi nagbago at iyon ang malasakit niya sa bata. Alam kong nahihirapan si Kai at normal lang na maging ganito siya sa mag-ina. Naguguluhan siya at kailangan niya ng oras para makapag-isip.
Alam kong sa mga panahong ito ay si Kaila lang ang makakabawas ng hinanakit ni Kai kaya naman kahit weekends ay binigay ko na muna sa kanilang dalawa. Mahirap para sa amin ang lahat, oo may galit ako kay Soo Jin pero sa ngayon ay kailangan ko munang i-santabi ang bagay na iyon dahil ako na lang ang pwedeng maging kasama niya ngayon. Wala ng pamilya si Soo Jin at hindi niya alam kung kanino pa siya kukuha ng lakas. Andito ako bilang maging kaibigang nagmamalasakit sa oras na kailanganin niya ng kausap at karamay.
Sa ngayon din ay hindi ko alam ang estado namin ni Kai. Wala pa sa panahong ito ang pag-iisip ng ganoong bagay. Hindi kami, walang espesyal na bagay sa pagitan namin dahil after all, engaged parin sila ni Soo Jin, at nirerespeto ko iyon.
Bukas ay maari na raw lumabas ng ospital si Min Joon dahil balik na sa normal ang platelet count niya.
"Hindi ko na alam kung saan kami pupunta ni Min Joon pagkalabas niya rito. Wala akong maisip na pupuntahan." Daing ni Soo Jin.
"Bakit iniisip mo iyan? Di ba't dapat ay sa bahay parin ni Kai kayo uuwi?"
"Sa tingin ko hindi yan ang tamang gawin sa ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap ni Kai at alam kong sobrang kinamumuhian niya ako. Sa tingin mo ba dapat dun pa kami umuwi?"
"Sa tingin ko ay oo. After all, bahay niyo na rin iyon."
"Alam niya nang hindi niya anak si Min Joon, at nakikita naman natin ang resulta hindi ba? Hindi na siya pumupunta rito, hindi niya rin kami tinatawagan. Nasagot na ang lahat. Ayaw niya na kaming makasama pa."
"Walang taong nakakalimot agad sa pagmamahal. Hindi naman sa isang iglap ay mawawala ang pagmamahal ni Kai sa anak mo. Matagal silang nagkasama, at sa mga panahong iyon tunay lahat ng pagmamahal. Kaya kahit anong galit pa ang meron si Kai ngayon sa iyo, yung pagmamahal na meron siya noon ay nandoon parin sa puso niya hanggang ngayon. Hindi niya man aminin, ramdam natin yan. Bakit hindi mo siya kausapin? Siguro naman ay bukas na ang isip niyang makinig sa mga paliwanag mo."
"Wala ng bagay na makakapagsalba ng kasalanan ko dahil lahat naman ng iyon ay totoo. Hindi niya na akong papakinggan. Lahat ng ginawa ko sa inyo ay walang kapatawaran. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ka ngayon eh."
"Makinig ka... ma-hal ka ni Kai hindi ba? Kaya nga papakasalan ka niya eh. Bakit hindi ka magtiwala sa pagmamahal na iyon. Kung mahal ka niya, papatawarin ka niya katulad ng ginawa niya noong bumalik ka. At kaya nandito ako, dahil nagmamalasakit ako..hindi lang kay Min Joon..ngunit pati na rin sa iyo."
"Mahal?" tumawa siya ng mahina. "Deserve ko ba ang salitang 'yan?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman hindi?"
"hindi ko alam kung minsan ba ay minahal niya ako."
"Di ba nga magpapakasal kayo? Kasi mahal niyo ang isa't-isa?"
"Wala sa amin ang bagay na iyon. Baka noon oo, pero ngayon? Baka wala na iyon. Mahal ko siya pero siya hindi. Kaya lang naman namin naisip magpakasal dahil sinabi niyang iyon ang makabubuti kay Min Joon...ang buong pamilya."
"Pero ang akala-"
"akala mo na nagkabalikan na kami? Mali ka ng iniisip. Noong umalis ka, sinubukan lang naming mabuo ang pamilyang ito kahit alam naman namin na imposible na talaga. Pinilit namin, kaya ano ngayon? Pareho kaming nasasaktan. Time broke us more, not made us up. To be honest with you, naiinggit ako sa'yo."
"Huh?"
"Kasi noong bumalik ka, tapos kasama mo pa si Kaila, nakita ko kung paano nagkaroon ng kislap ang mga mata niya. Masaya siya ng bumalik ka. Umalis ako noon at noong bumalik ako ay wala akong binalikang pagmamahal mula sa kanya, but you... you came back na may pagmamahal pa na matatanggap mula sa kanya. Mahal ka niya Hyeon Ki, hanggang ngayon. And all I can do is to accept and witness it."
Hindi ko akalaing kay Soo Jin pa manggagaling ang mga salitang iyon. Hindi ko rin alam na walang namamagitan sa kanila bukod sa engagement. Dapat bang ikasaya ko ang bagay na iyon? Na mahal pa ako ni Kai? Kung totoo man, mas gusto kong kay Kai mismo manggaling ang mga salitang iyon dahil dun ko lang mapapatunayan na totoo ito. I don't want to build my hopes up ng ganun kabilis...ayokong umasa sa bagay na walang kasiguraduhan. I'm still in love with him but I don't want to take a risk right now...dahil kung baka sakali, hindi lang ako ang masasaktan kundi pati na rin ang anak ko.
"Huwag kang mag-alala, kakausapin ko si Kai tungkol sa kung saan kayo tutuloy. Pero sa ngayon ay sumama na muna kayo sa bahay namin. At least dun fresh air, kailangan ni Min Joon iyon ngayon. Kukumbinsihin ko si Kai na makipag-usap sa iyo, dahil kailangan niyo talagang mag-usap."
"Bakit ba ang bait mo sa akin? Dapat ikagalit ko pa ito. I don't deserve anything from you especially your help." Malungkot na saad niya.
Hindi ko rin alam Soo Jin. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapakamartyr ng ganito. Pero ang alam ko lang ito ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...