Napagdesisyunan ko ng bumalik sa probinsya para maalagaan si Mama. Dahil sa perang kinita ko sa pagpapanggap ay naibili ko ng gamot si Mama at may naitago pa ako para sa mga check-up niya.
Ang hindi ko lang inaasahan doon ay pagdating ni Ate. She look so stress and broken. Kahit na may tampo ako sa kanya sa pag-iwan niya sa amin ay naawa ako sa nangyari sa kanya.
"After niya akong kunin ng malaman niyang dinadala ko ang anak niya sa akin ay pumunta kami sa America. Pinakilala niya ako sa mga magulang niya at pinangakuan ng kasal. Pero habang tumatagal, nagiging busy si Lloyd sa trabaho at hindi na maganda ang naging trato ng mama niya sa akin. Pag wala si Lloyd ay para akong katulong, pag andun naman ay akala mo isang anghel. After ng pangangak ko, pinapili nito si Lloyd kung ako ba o ang bata ang pipiliin niya, at anak namin ang pinili niya. Naiintindihan kong nahirapan siya, pero ang masama nito ay hindi man lang niya ako pinagtanggol sa mama niya." Umiiyak si Ate habang nagkekwento sa amin ni Mama. Hindi narin napigilan ni Mama ang pagluha.
"Ma, gusto kong kunin si Hyun Bin. Gusto kong makuha ang anak ko..pero ayaw nilang ibalik sa akin ang anak ko. Ma, anong dapat kong gawin?"
"Anak wag kang mag-alala, babawiin natin ang apo ko." Sagot ni Mama.
Niyakap namin si Ate at sabay-sabay ng umiyak.
"Salamat ma, pati narin sayo Hyeon Ki. Dahil sa kabila ng pang-iiwan ko sa inyo ay tinanggap niyo parin ako ng walang pag-aalinlangan." Aniya.
"Ano ka ba ate, wala na yun..nangyari na eh. Ang mahalaga ay nandito ka na, si Hyun Bin na lang ang kulang, babawiin natin ang pamangkin ko." I said. Si ate ang nagluwal kay Hyun Bin kaya karapatan niyang makuha ito mula sa ama niya. Gagawa akong paraan.
----
Makalipas ang isang linggo ay nasanay na ulit ako sa buhay probinsya.
Naisip kong maglakad-lakad sa tabing-dagat para makapag-isip-isip. Namimiss ko na si Min Joon, gusto ko na siyang alagaan at makita ulit pero sigurado akong hindi na yun mangyayari kailanman.
Si Kai kaya, kamusta na? Hinahatid niya kaya si Min Joon sa school at sinasabayang kumain? Tinutulungan niya kaya ito sa mga assignments at projects niya? Ano ba yan?! Napapraning na ako! >___< ang dapat kong isipin ngayon ay ang paghahanap ng trabaho.
"Ate! Ate!" Pagtawag ng isang bata mula sa malayo.
Lumingon ako agad. "Hi! Ako ba ang tinatawag mo?" Tanong ko.
"Opo. Ate, gusto niyo po ba ng kwintas na mula sa shell? Gusto niyo sa inyo na lang?" Tanong nito at ipinakita niya ang pinagdugtong-dugtong na shell.
"Wow ang ganda naman niyan. Eh kaso wala akong perang pambayad eh. Sayang naman."
"Naku ate nagkakamali po kayo, hindi ko po ito ibinebenta sa inyo. Sa katunayan ay bayad na po ito at yung bumili nito..ay pinabibigay sa inyo." Sagot nito.
"Ha? Bayad na toh? K-kanino ito galing? Bakit daw?" Nalilito na ako. Hindi ko naman maisip kung sino ang magbibigay nito sa akin. Birthday ko ba? O Valentine's day? Hindi naman. November kaya ngayon, halloween? O___o
Ibinigay sa akin nung bata ang kwintas at tumakbo na palayo. "Teka!!!" Sigaw ko. Hindi na ako nilingon nito at tuluyang nawala.
Umupo ako sa buhanginan. "Sino naman kaya ang magbibigay nito? Hindi kaya si Ate?" Tanong ko sa sarili ko.
"Hindi mo ba nagustuhan?" Agad ako lumingon ng may magsalita sa may likuran ko.
"K-kai?" Oo si Kai nga ito. "Anong ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...