Chapter 6 (Hero?)

13.8K 325 0
                                    

Sa gitna ng pag-aalmusal namin ay nababalot kami ng katahimikan. Malaki ang tampo ng bata sa ama niya. Ito namang si Kai, hindi man lamang makuhang lambingin ang anak niya. Ito ata ang magiging reason ng pagkabaliw ko. Kahit naman ako ay nagtatampo kay Kai, kaya hindi ko rin siya kinakausap.

"Anak, bakit di mo pa ubusin yang pagkain mo? Hindi ba masarap?" Tanong ko sa kanya.

"Masarap po." Matamlay paring sagot niya. Kahit noong habang binibihisan ko siya sa taas kanina ay 'di rin niya ako kinikibo.

"Then finish your food now, you're late for school." Si Kai.

Hindi sumagot si Min Joon.

"Anak, wag ka ng magtampo kay Daddy. Sige I'll try ba humabol sa meeting." Aniya.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nagbago ang mood nung bata. "Really Dad?!" That made Min Joon smiled and so am I.

" My vacant naman ako ng 2 hours from 3-5 pm, kaya makakahabol ako." Sagot nito.

"Promise yan Dad ha?"

Kai nodded.

"Ayun naman pala e, okay na. So, pumasok na kayo at baka malate pa kayo." Sabi ko.

Tumayo silang pareho at kinuha ang bags nila. Sumunod naman ako hanggang sa makalabas sila sa pinto.

"Bye Mommy!" Min Joon kissed me sa cheeks.

Nagkatinginan lang kami ni Kai and I half-smiled.

I watched them leave before I went inside.

"Hindi niya talaga matitiis ang anak niya." Bulong ko sa sarili ko.

------

Kai's P.O.V.

Katatapos lang dalawa kong meeting. Ang dami ko na namang gawain, kailan kaya ako makakapagpahinga? Kapag namatay na ako?

I looked at the time and it was already 2:30. Makakaalis na rin ako sa wakas, mabuti at natapos lahat ng meetings ko. Makakapunta ako sa meeting ng parents sa school ni Min Joon.

Bago ako makatulog kagabi ay paulit-ulit na bumabagabag sa akin ang mga sinabi ni Hyeon Ki. She's right, I should give importance sa anak kong naghahanap ng kalinga ng buong pamilya. He's too young para magkaroon ng sama ng loob sa akin, ayaw kong dumating ang panahon na kamuhian niya ako.

I was about to leave my office ng nakasalubong ko sa pinto ang secretary ko.

"Sir,I'm sorry po pero may urgent meeting kayo at 3 pm with Mr. Lee. Kailangan niyo na daw pong pag-usapan ang pera na i-iinvest niya sa company niyo. He has a flight tonight pa-Taiwan kaya kailangan niyo daw po magkita today" Aniya.

"3 pm? Hindi ba pwedeng 6pm? Or 5 man lang? May lakad ako." Sagot ko. Hindi 'to pwede. Ito na nga lang ang paraan ko para makabawi kay Min Joon tapos masisira pa.

"I'm sorry, Sir"

Hindi ko naman pwedeng baliwalain si Mr. Lee, malaking pera ang nakataya rito.

I sighed. "Okay tell him that I'll meet him today."

Tumango ito at lumabas. I'm sorry Min Joon. Promise ko sayo, hahabol ko. May oras pa naman e.

-----

Hyeon Ki's P.O.V.

Nasa school na kaya si Kai? Simula na kaya ang event? 2:30 na, sana andun na si Kai. Nangako siya sa bata.

Hindi ako mapakali kaya I dialled Kai's number. Ilang ring lang ay sinagot niya na ito.

"Hello Kai?" Panimula ko.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon