Chapter 32 (The Guest)

8.6K 177 2
                                    

Ilang araw ang nilagi ko sa ospital bago mapagdesisyunan ng doctor na maaari na akong lumabas. Sobrang maasikaso si Kai pati narin si Min Joon para sa akin lalo na ngayong nagdadalang-tao ako. Hindi nila ako pinapayagang tumulong sa mga gawaing bahay, minsan pa nga nasesermonan ako ni Min Joon. How sweet...



Mamaya, magpapa-family dinner si Kai dito sa bahay para daw maging thanksgiving dinner na rin sa pag-galing ko at pagwelcome sa magiging anak namin. Kaya naman mamaya ay pupunta si Mama, Ate at Daddy Jun Yeon. 



Dahil nasa school si Min Joon ngayon at nasa trabaho naman si Kai ay naisip kong lumabas at mamasyal sa mall. Kahit na ayaw ni Kai ay napilit ko siya dahil matagal-tagal na rin mula noong nakalabas ako ng bahay at ngayon ay naiinip na ako.



Habang naglalakad ako sa mall ay nakasalubong ko ng hindi inaasahan si Soo Jin. At katulad ng dati at nagulat ito na nakita niya ako pero this time ay di siya umiwas, bagkus ay ngumiti ito sa akin at lumapit.



"Kamusta ka na?" Aniya.



Alam kong magiging awkward ang usapang ito pero mas makakabuti sa amin ito.



"Okay na naman ako." I smiled.



"May kasama ka ba ngayon? A-asan si Kai? Si Min Joon?"



"Wala sila eh, ako lang ang pumunta dito. Nasa school at trabaho sila ngayon."



"Ah ganun ba? I'm sorry nga pala sa nangyari... kung hindi dahil siguro-"



"It's fine. Wala kang kasalanan sa nangyari." I smiled. "P-pwede ba tayong mag-usap? Yung pormal? How about a cup of coffee?" Dugtong ko.



"H-ha? Osige. Wala naman na akong pupuntahan."



---

"Congratulations nga pala sa baby niyo ni Kai.. masaya ako para sa inyo." 



"Thank you. Pero paano mo nalaman?"



"Sinabi sa akin ni Dana...sa kanya kasi ako nakikibalita eh."


"Oh I see."


"Sana sa pagsilang mo sa batang 'yan, mas tumatag pa ang samahan ninyong dalawa." She smiled and I smiled back.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon