"Anong ginagawa ni Soo Jin dito?!"
"Teka Kai, ininvite ko siya dito."
"Bakit pa? This is a family dinner, kaya wala siyang karapatang pumunta dito." Aniya.
"Soo Jin, halika maupo ka." Alok ko.
"Good evening po sa inyong lahat." Bati nito ngunit nanatiling tahimik ang mga kasama namin.
"Daddy, bakit ayaw niyong nandito si Ahjumma?"
"Kasi anak, hindi siya dapat nandito." Matigas na sagot ng ama sa kanyang anak.
"Anak, siya si Tita Soo Jin...kaibigan namin siya ng daddy mo okay." Pinandilatan ko si Kai ng mata para hindi na muling magsalita at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating.
"Hello po Tita Soo Jin, mabuti po at nagkita ulit tayo!" Masiglang bati nito.
"Masaya akong nakita kita." Maluha-luhang sagot ni Soo Jin. Alam ko kung gaano kahirap para sa kanya ang di niya pwedeng sabihin kay Min Joon ang totoo. Sa ngayon ay kailangan muna nilang pag-usapan ang mga hakbang para maipakilala siya sa bata.
Umupo si Soo Jin sa pagitan namin ni Ate na katapat naman ni Mama. Katapat ni Soo Jin si Min Joon at ako naman ay si Kai. Si Tito ang nasa kabisera ng hapag-kainan.
Sa buong oras ng pagkain ay nagkekwentuhan lang ang mga magulang namin pero kami ay tahimik lang. Nakatingin lang si Soo Jin sa bata at tila gusto itong hawakan pero dahil sa mapagmasid na mata ni Kai ay hindi magawa.
Nang matapos ang kainan ay nagtungo kami sa sala.
"Kai, pwede bang mag-usap kayo ni Soo Jin ngayon? Doon sa pool area?" Bulong ko rito.
"Para saan pang mag-usap kami? Tsaka bakit ba pinapunta mo yan dito?"
"Kai naman, kahit anong mangyari kailangan niyo itong pag-usapan dahil may anak kayo. Gawin mo na lang ito para sa bata..please?"
Bumuntong-hininga ito. "Fine, I'll talk to her...pero hindi ko maipapangakong magiging maayos ang usapang ito."
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...