Another day ng walang kibuan sa pagitan namin ni Kai. Dapat kagabi okay na kami pero parang lalong lumalala. Ginawa ko na lang ang usual routines ko araw-araw, ang pag-asikaso kay Min Joon bago pumasok sa school at ang paghahanda ko sa pagpasok. Kumakain kami ng breakfast pero hindi kami nag-uusap ni Kai.
"Good morning anak!" nagulat na lang ako ng biglang pumasok ng dining area si Soo Jin. Ganito kaaga?
"Hi Mama!" Masiglang bati ni Min Joon sa ina at niyakap ito. Nanatili naman kaming nakaupo ni Kai.
"Good morning Kai. Hi Hyeon Ki." Bati nito.
I slightly smiled. "Hi."
"Good morning. Kumain ka na ba ng breakfast?" nakangiting tanong ni Kai rito.
"Yes I did. Dumaan lang ako dito kasi gusto ko sanang ihatid si Min Joon sa school niya. Kung okay lang naman sa inyo." Aniya.
"Walang problema sa akin yun. Medyo malelate na rin kasi ako sa opisina eh so mabuting ikaw ang maghatid kay Min Joon."
"That's good. And gusto ko rin sana siyang sunduin tapos ipapasyal ko ulit siya."
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa kanila, family matters right? So hindi ako dapat makialam.
"Okay lang ba sayo iyon, anak?" Tanong ni Kai.
"Okay lang naman po. Pero gusto ko kasama ka, Daddy."
"Sige sasama ako, after ng work ko ay susunod ako sa inyo ni Mama mo, okay?" mabilis na sagot nito.
"I-ikaw ba Hyeon Ki, gusto mong sumama sa amin? After ng trabaho mo?" nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Soo Jin.
Nagkatinginan kami saglit ni Kai pero agad itong umiwas at uminom na lang ng kape. "H-hindi kasi ako pwede ngayon, pasensya na. Magkikita kasi kami ni Ate pagkatapos ng trabaho ko." Kahit hindi naman talaga. Ayoko lang.
"Sayang naman, parang mas masaya kapag marami tayo." Baka mas awkward kamo. Sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...