Chapter 23 (Time to Tell the Truth)

10.5K 219 5
                                    

AN: Hi kay LittleSnowflakes12 ! She flooded votes for my other story (WIMMP). Dito ako nag-dedic kasi completed na yun. Thank you sayo! :*


And BTW, ang 7 years old na Min Joon ngayon ay si Kwon Man Se sa Prime Minister and I. Kasi kung si baby asher parin masyadong bata.


-Do Gong Ju

——


Matapos ang mahabang celebration ng birthday ko ay naisipan ng magpahinga nila Mama, Ate, Tito at Min Joon. Naiwan naman kaming dalawa ni Kai sa labas at nakaupo parin sa may apoy. Magkatabi kami at nakaakbay siya sa akin, ang ulo ko ay nakasandal sa dibdib niya.



"Parang kailan lang mula nung nakilala kita sa opisina ko." Pagbasag nito sa katahimikan.



Humiwalay ako mula sa pagkakaakbay niya. "Oo nga. Sobrang bilis ng panahon. Nag-aapply lang ako noon bilang secretary tapos ito na." Sagot ko.



"Hindi parin ako makapaniwalang tinanggap mo ang marriage proposal ko. Grabe sobrang kabado ako! Nakita mo ba yun? Nanginginig ako kanina." Aniya.



Tumawa ako ng marahan. "Pansin ko nga, pero bakit naman kabado ka? Akala ko wala kang kinatatakutan?" Pagbibiro ko.



"Hindi ako natatakot noh. Pero seryoso, hindi lang kasi ako sigurado kung papayag ka dahil the last time na napag-usapan natin ang tungkol sa atin ay may pag-aalinlangan ka pa dahil natatakot ka sa mga pwedeng mangyari. Kasal pa kaya? Pero sinubukan ko na."



"Sa totoo lang, natatakot parin naman ako hanggang ngayon. Pero may bigla na lamang nagsalita sa isip ko ng mga oras na lumuhod ka na wala akong dapat katakutan." Sagot ko.



"Sa una pa lang, sinabi ko na sayo na dapat hindi ka matakot dahil sinisigurado ko sayong hindi kita iiwan kahit pa bumalik si Soo Jin. Naiintindihan mo ba? Sayo lang kami ni Min Joon." Hinalikan niya ako sa noo dahilan para mapangiti ako.



Bumuntong-hininga naman ako biglang naging seryoso. "May isa pa akong kinatatakutan." Sabi ko.



"Ano naman yun?" Tanong nito.



"Si Min Joon, paano kapag nalaman niya ang totoo? Ayaw kong magalit siya sa atin. Sa tingin mo ba dapat sabihin na natin? Kung malalaman niya pa sa iba ay baka ikalungkot niya yun."



Natahimik siya ng saglit. "You're right. Naisip ko na rin yan eh. Dapat iexplain natin sa kanya ang sitwasyon at sabihin ang totoo sa kanya bago pa tayo maikasal. Mas maganda nang malaman niya ng mas maaga." Aniya.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon