"Gusto kong magkaroon tayo ng matinong usapan tungkol kay Kaila." Ani Kai na kasalukuyang kausap ko dito sa living room ng bahay nila.
"Yan nga sana ang gusto kong itanong sa'yo noon pa. Ano ba ang naiisip mo?"
"Gusto kong manirahan ang bata rito sa aking bahay."
"Hindi pwede. Hindi mo pwedeng ilayo ang anak ko sa akin." Marahas kong sagot. Everything's fine sa aming mag-ina at hindi ako makapapayag na guluhin lang kami ni Kai.
"At bakit hindi pwede? Anak ko si Kaila kaya may karapatan din ako sa kanya. At isa pa, inilayo mo na siya sa akin noon pa kaya naman dapat lang na makasama ko siya ng matagalan at hindi basta visitation rights lang." Walang pag-aalinlangang sagot niya.
"I-ibig mo bang sabihin....teka...gusto mo bang gumanti? Gusto mo akong saktan sa ginawa ko noon kaya si Kaila ang ginagamit mo ngayon?! Ganun ba?"
"Inuulit ko, ama niya ako. Gusto ko siyang makasama. This has nothing to do with the past, this has nothing to do with the revenge that you are telling. Wala akong planong maghiganti, ang gusto ko lang ay makasama siya, makabawi sa mga oras na hindi ko siya nakasama."
"Andito ka na naman Kai, ito na naman ang baluktot mong mga desisyon. Naaalala mo bang minsan mo na itong ginawa kay Soo Jin? Ipinagkait mo na sa kanya noon ang anak niya, pati ba naman sa akin ay gagawin mo pa ito? Ang unfair mo, alam mo ba yun?"
Narinig ko siyang tumawa ng maraan. "Seriously Hyeon Ki, sa'yo pa talaga galing ang salitang unfair? Ibahin mo ang sitwasyon namin ni Soo Jin sa sitwasyon natin ngayon. Noon, nasa akin ang bata...siya ang lumayo, pero ikaw, lumayo ka pero sinama mo pa ang anak natin. At ngayong hinihingi ko lang ay ang karapatan sa bata, bakit hindi mo maibigay? Bumalik nga kayo rito pero ano? Huli na, wala na si Papa! Hindi niya man lang nakita ang apo niya! Kung susumahin, ako ang nasa sitwasyon ni Soo Jin noon. ako ang pinagkakaitan ng karapatan. And you, you are slowly being me years ago. Makasarili ka na. Now tell me, how can you say that I'm unfair if the truth is you're the one who's unfair?! Huh?!" Pabalang na paliwanag nito.
Those words hit me. Totoo naman eh, I'm unfair pero hindi ko lang matanggap.
"Gusto ko lang naman na tumira siya dito at pag-aaralin ko siya. I'll let you visit her even how many times you like. Yun lang. we don't need legal processes. Ikaw lang itong nagpapagulo. Pero kung ayaw mo talaga, kukunin ko siya sa'yo sa legal na paraan. Ikakasal kami ni Soo Jin... I'll put Kaila under my family register at si Soo Jin ang magiging legal na ina ni Kaila..and you, you'll just become her biological mother. Yun ba ang gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...