Chapter 15 (A Father's Love)

13.1K 269 3
                                    

"Bakit niyo po ako gustong makausap Mr. Kim?" Tanong ko habang ipinatong ang kape niya sa lamesa.

Hinawakan niya ang braso ko. "Anong nangyari dito?" Tanong niya ng makita ang mapulang marka dito.

"Ah ito po.. tumama sa gate."

"You're lying. Sinaktan ka ba niya?"

Hindi ako sumagot. "Then it's true, siya nga ang may gawa niyang sayo."

Paano niya nalaman? "How?-"

"I'm sorry for what he did pero alam kong di niya sinasadya yan. It's just hindi niya siguro nacontrol ang sarili niya."

"Nacontrol?"

"Tell me.. anong nangyari kagabi. Tell me, wag kang matakot, hindi ako katulad ng iniisip mo."

"Eh kasi po may naghatid sa akin kagabi ditong lalaking kaibigan and dun na siya sumabog. Napahigpit ang kapit niya sa akin. Pero okay lang naman po ako."

"I knew it. Baka bumabalik na naman ang sakit niya noon." He said.

"Po? Sakit?" I asked. Hindi ko alam na may sakit siya. He looks fine.
"He has a psychological problem after his Mom and brother died. Minsan ay nakakasakit siya ng hindi niya na napapansin."
So may sakit pala siya noon?

"So ganun po ba? Bakit niyo po sa akin sinasabi ang bagay na ito?"

"Gusto ko lang na paalalahanan ka. Alam mo Ija, alam ko ang totoo sa inyo ng anak ko at ni Min Joon. I know nagpapanggap ka lang."

"Po?"

"I know kung sino ang tunay niyang ina. I know he just hired you para magpanggap."

"I'm so sorry po." I bowed down.

"It's okay. At least ngayon masaya sila ng apo ko. Pero ang pananakit niyang yan ay hindi niya sinasadya. He's just afraid na baka may mawala na naman sa kanya tulad ng pagkawala ng Kuya at Mama niya. I know it's my fault, at ako ang sinisisi niya pero nag-sisisi na ako doon. Kaya may request ako sa iyo bilang kapalit ng paglilihin mo sa akin."

"Kahit ano po okay lang sa akin."

"Don't leave my son alone. I know he likes you kaya ganyan siya kaya please stay by his side and Min Joon. "

He likes me? No. Malabo. "Nagkakamali po kayo pero hindi niya po ako gusto."

"Then just do this as a favor. Nasaktan ka niya ng may nakita siyang kasama mo kagabi and I know na kung mawawala ka katulad ng nangyari noon sa mga mahal niya. Trauma na sa kanya yun kaya ganito siya, wag kang mag-alala hindi naman malala ang sakit na toh dahil nagamot na ito bago pa dumating si Min Joon and I'm thankful na noong umalis si Soo Jin ay hindi siya napasama. I guess hindi niya talaga minahal ito. Natatakot lang ako na baka bumalik ang sakit niya. Kaya please tulungan mo ako."

Hindi siya natrauma sa pagkawala ni Soo Jin? So hindi niya minahal ito? I'm confused.

"Naiintindihan ko po ang ibig niyong sabihin. Alam ko po na concern kayo sa kapakanan ng anak niyo kahit hindi niyo pinapahalata. I know your scared na baka hindi niya kayo tanggapin, tama po ba?."

"Yes I'm scared. Kaya ginagabayan ko na lang siya kahit sa ganitong paraan."

I feel this father's sadness. I understand him. I'm now asked by a father who loves his son so much. At dahil sa takot niyang hindi siya muling tanggapin ng anak niya ay palihim niyang pinoprotektahan nito.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon