Chapter 17 (The Corny Side)

13.1K 248 0
                                    

Days passed after the exchanging of thoughts ay marami ng nagbago. Ang pagiging mainitin ng ulo ni Kai ay medyo nababawasan na pero kapag nalalaman niyang kausap o katext ko si Tao ay nag-iiba ang timpla niya. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil nagseselos siya o dapat magworry ako sa kanya. Mas pinapadali niya rin ang mga chores na ginagawa ko dito sa bahay pero syempre sinasabi ko sa kanya na wag niyang gawin dahil nagiging uncomfortable ako. Sinasabi niya na kapag sinagot ko na siya ay wala na daw akong dapat gawin kundi pagsilbihan siya at ang anak niya. Cheesy ba?
Kakatapos ko lang maligo at nag-aayos ako ngayon ng kwarto ko. Feeling ko kasi ang gulo na ng kwarto eh.

"Hyeon Ki?" Ani Kai mula sa labas ng kwarto.

"Oh bakit Kai? May kailangan ka?" I asked.

"Pwede mo ba akong tulungang pumili ng susuotin for work?" He replied.

Ako? Tutulungan ko siya sa damit niya? Parang first time ito ah. "Sige walang problema." I replied.

"Salamat. Punta ka na lang sa kwarto ko." Aniya.

"Okay." Pagkatapos nun ay narinig ko ang paglayo niya mula sa pinto at tinapos ko muna ang pag-ayos ng unan sa kama at tsaka lumabas ng kwarto.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Kai bago pumasok.

"Ay palaka!" Napapikit ako at tumalikod na lang. Jusme sino ba namang di magugulat kung ang maabutan mo ay isang lalaking walang pang-itaas ?! >__< "Teka hindi ka pa pala tapos. Aaah lalabas mu-"

Hinila niya ako palapit sa kanya at ramdam ko pa ang basang dibdib niya sa pisngi kong napadikit doon. "No it's okay, pumasok ka na. Naghahanap pa kasi ako ng susuotin eh. Feeling ko kasi paulit-ulit na ang pares na sinusuot ko." Aniya.

Lumayo ako ng bahagya at inayos ang buhok ko ng konti.

"Ah ganun ba? Sige wait.." Pumunta ako sa may closet niya at tumingin ng pwedeng suotin.

"Ito..okay lang ba sayo?" Sabi ko habang pinapakita ang attire na napili ko. Yieee nanginginig ako sa kaba! >__<

"Kahit ano, may tiwala naman ako sayo." He winked.

What? Did he winked at me?! Seriously?! "Kinindatan mo ba ako?" Kumunot ang noo ko.

"Yes. Why?" He smiled.

"Tigilan mo ako Kai." I laughed.

"Anong ginawa ko? I'm just asking for help." Aniya. Lumapit siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Nyemas! Ang init!

"Please stop that stare." I said.

"Kukunin ko lang naman tong napili mo." Aniya at kinuha ang hawak kong damit niya.

"Shit." Bulong ko.

Narinig ko naman siyang tumawa. "Pwede mo bang isuot tong coat sa akin?" Aniya habang sinusuot ang white long sleeves niya.

"Okay whatever my boss." I replied.

Sinimulan ko ng tulungan siya sa pagsuot nito sa kanya. "Don't call me that. I'm not your boss anymore." He said.

"Eh ano?" I said while fixing his coat na naisuot na sa kanya. At ngayon naman ay inaayos ko na ang necktie niya.

"Call me your husband,  wife." Inilapit niya ang mukha niya ng sinabi niya yun.

"Magtigil ka nga! Since when ka pa naging malandi ha Mr. Kim Jongin?" I smirked.

"Since the night na sinabi mong gusto mo ako." Aniya.
"Excuse me? Ikaw ang nagsabi nun noh. Naawa lang ako sayo kaya sinabi ko rin yun." I laughed.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon