Chapter 26 (The Grandparent's Wish)

9.1K 194 0
                                    

AN: Sorry for the slow UD. hihi


--



"Tara pumasok na tayo sa loob anak, hinahanap ka na nila Lola at Lolo mo, pati ni si Daddy mo." sabi ko kay Min Joon.



"Okay Mommy, dahan-dahan po sa paglalakad, nakaheels po kasi kayo." Malambing na sabi nito


I smiled. "Ang sweet naman ng big boy namin."



"Hey." Lumingon ako sa nagsalita.



"Uncle Tao!" masiglang pagtawag ni Min Joon.



"Kamusta ka? Ang gwapo natin ngayon ah." tanong niya.



"Lagi naman po Uncle. Nasaan po si bestfriend Jae Hee?"



"She's inside, hinahanap ka nga eh, andun lang yun sa table namin. Puntahan mo."



"Osige po. Thanks Uncle. Mommy, I'll go to Jae Hee lang ha. Bye po." Pagpapaalam nito.



"Go ahead. Be careful anak." I replied.



Nang makaalis na si Min Joon ay ngumiti ng nakakaloko si Tao sa akin Yung ngiti niyang may kalokohan na naman.



"Anong tinitingin mo dyan ha?" Siga kong pagtatanong.



"Mukha ka kasing babae." Aniya.



Kumunot ang noo ko. "Bakit?! Hindi ba ako mukhang babae sa iyo noon?! Nang-aasar ka?"



Tumawa siya. "What I mean is maganda ka ngayon...mas gumanda."



"Bolero."



"Arte pa? Magpasalamat ka na lang at binigyan ka ng compliment ng kasing gwapo ko."



"Conceited." I sighed. "Pero salamat at pumunta ka."



"Gusto kasing umattend ng pamangkin ko so.....no choice." He joked.


Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon