Chapter 28 (Brown Envelope)

10.5K 203 3
                                    


I woke up with the ray of light touching my morning face. A good weather indeed, that's what I thought. I felt a sudden pain down there and I smiled when I recalled what happened last night, we did it, Kai and I made love. Nakakatawa lang, hindi pa nakaka-24 hours ang request ng mga magulang namin na apo ay mukhang maibibigay agad namin.



Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot sa aking katawan. Pumasok si Kai mula sa pinto na may malapad na ngiti.



"Good morning!" Masiglang bati nito.



"Hi good morning." Mahinahong sagot ko. Umupo siya kama katabi ko at hinalikan ako sa noo.



"Kamusta naman ang tulog mo? Hindi ka ba nahirapan? Masakit ba?"



Umiling ako. " Okay naman ang tulog ko. Pwede bang wag mo ng itanong yan? Napaka-awkward naman kung pati yan ay pag-uusapan natin." I smiled.



"I'm sorry, nag-aaala lang naman ako kasi baka mahirapan ka."



"No, I'm fine. Si Min Joon nga pala?"



"He's still sleeping, madaling araw na kasing nakatulog eh, pagod yun kasi naglaro sila nung mga anak na mga bisita."



"Kumain ka na ba? Teka ipaghahanda kita ng almusal." Sabi ko at akmang tatayo pero pinigilan nya ako.



"Hindi, okay na. Nakaprepare na ang almusal sa may pool area. Dun tayo mag-almusal para makalanghap ka naman ng sariwang hangin ngayong umaga."



"Ganun ba? Sorry kung tanghali na akong nagising, hindi tuloy ako ang nakapag-handa ng almusal."



"Ano ka ba, okay lang.. pinagod kita eh." Pinalo ko siya sa braso. "Sabi ko ng wag na nating pag-usapan yan eh! Nakakahiya na!"



"Eh bakit ka ba mahihiya eh tayo lang naman ang magkausap ngayon. At natural lang sa atin ang pag-usapan ang mga ganyang bagay dahil magiging asawa na kita within 3 months. Malay mo, bago tayo maikasal ay may dinadala ka na."



Umiling-iling na lang ako sa mga pinagsasabi ni Kai. Ewan ko ba, ang awkward talaga ng ganitong topic. "Hala sige tama na yan. Magbibihis lang ako at kumain na tayo sa baba."

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon