Kakarating lang namin sa rest house ng pamilya ni Kai sa Gwanghwamun. Nabanggit din ni Kai na ngayon na lang ulit siya nakapunta magmula ng mamatay ang kuya at Mama niya. Tatlo ang kwarto dito. Ang isa ay para sa amin nila Mama at Ate dahil gusto ko silang makasama ng kahit ilang gabi lang sa pagtulog. Si Kai at Min Joon naman ang magkasama at syempre ay pupunta rin ako doon tuwing may kakailanganin ang bata. At ang natitirang kwarto ay para sa tatay ni Kai, ako ang kumausap kay Mr. Kim para sumama dito at sabi niya ay mahuhuli lang siya ng ilang oras sa pagdating. Sisiguraduhin ko na bago matapos ang bakasyong ito ay magkasundo na ang mag-ama.
"Napaayos ko na pala ang mga lulutuin para bukas sa birthday mo. Sana ay maayos na ang lahat, may gusto ka pa bang idagdag?" Tanong ni Kai habang pinapanuod naming si Min Joon na naglalangoy sa pool.
"Wag mo ng masyadong isipin ang birthday ko bukas. Simpleng kainan lang naman kasama ang pamilya ang gusto ko kaya kahit gaano man kaplain o kasimple ang handaan ay magiging masaya ako kasama kayo." I smiled.
"So pamilya mo na rin kami ni Min Joon?" he smiled.
"Aba oo naman noh. Ikaw, si Min Joon, si Mama at Ate, pati narin ang Papa mo. Pamilya tayo." I smiled back.
Sumeryoso ang tingin niya ng mabanggit ko na naman ang tatay niya. "Kailangan ba talagang andito si Daddy? Di ba pwedeng tayo na lang?"
I sighed. "Ano ka ba naman Kai, he's still your Dad. Mabait ang papa at nakita ko yung sincerity niyang mapatawad mo siya sa mga nagawa niya noon. Hayaan mo naming bumawi siya sayo bilang ama mo siya." I rubbed his arm.
"Bakit ang dali sayo na maappreciate siya pero ako ni minsan hindi ko nagawa?"
"Kasi lagi mong iniisip na masamang ama siya sayo. Mas naappreciate ko siya kasi lumaki akong walang ama, iniwan niya kami ng biglaan. Ang tao kasi kung ano yung wala, yun ang mas naappreciate nila pero yung nandyan ay di nila napapansin. Kai, ikaw din..dapat habang nandyan pa ang papa mo ay iappreciate mo ang efforts niya para makuha ang kapatawaran mo. Patanda na siya at hindi pabata kaya aminin man natin o hindi ay mauuna siyang mawala sa atin. Nang mawala si papa, narealize ko kailangang mas pahalagahan ko si Mama hanggang marami pang panahon na makakasama ko siya. Ngayon na may sakit siya ay natatakot din ako sa mga bagay ng pwedeng mangyari. " I explained.
"Kinokonsensya mo talaga ako noh?" he said kaya natawa ako.
"Hindi ah..nasasayo naman yun kung tatamaan ka." I laughed even more.
"Kung hindi lang kita gusto eh."
"Basta tutal naman ay birthday ko, gusto ko sanang maging masaya lang ang mga araw natin dito. Ayoko sanang mag-away kayo ng daddy mo. Okay lang ba sayo yun?"
Bumuntong-hininga siya. "May magagawa pa ba ako?"
"Salamat. Ito na siguro ang pinakamasayang birthday ko sa ngayon." I smiled as he smiled back.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...