4 years later
"Mommy, is it true that I'll finally meet Lolo and Daddy?" Tanong ng anak kong si Kaila. I named her after his father's nickname. 4 years old na siya at plano ko na siyang pag-aralin.
"Yes anak, kailangan nating bumalik ng Korea." Sagot kohabang nag-iimpake ng gamit naming mag-ina. She understands both English and Korean (Korean ito kunwari. HAHA!)
"Kaila, you'll be leaving me here? I don't have a playmate aside from you." Ani Hyun Bin. Oo, siya ang anak ni Ate na nahiwalay sa kanya noon. Nang umalis ako sa bahay ni Kai ay sinamahan namin ni Mama si Ate dito sa States para mabawi ang anak niya mula sa ama nito. Halos isang taon ang tinakbo ng kaso at sa awa ng Diyos ay napagdesisyunan na ibigay ang bata sa ina nito dahil nga wala pa itong pitong taon noon. si Tao ang tumulong sa amin upang makahanap ng magaling na abugado.
"Tita said that susunod naman daw kayo sa Korea, you just need to finish your school year here. Kuya naman, you now naman na ikaw lang din po ang playmate ko." Sagot nito.
"Hyeon Ki, are you sure na uuwi na kayo sa Korea? Ready ka na bang makita ulit siya?" Tanong ni Ate.
"Panahon narin siguro ate na magpakita kaming mag-ina sa kanya, alam ko namang galit siya sa akin pero maiintindihan ko yun. Gusto ko lang gawin yung pangako noon na hindi ko itatago ang anak niya sa kanya. Kailangan siguro ni Kai si Kaila ngayon sa sitwasyong ito. Mas magandang sa doon na siya sa Korea mag-aral." Sagot ko.
"Anak, pasensya ka na ha. Kaso hindi mo na makakausap si Lolo mo pag-uwi natin dun."
"Bakit po Mommy? Is Lolo a mute?"
"Hindi anak, remember I told that my Dad died many years ago? Ganun din kasi yung nangyari sa Lolo mo anak. Nasa heaven na yung spirit niya kaya you won't be able to talk to him na. ang makikita na lang natin is his body kaso he'll be forever sleeping." Malungkot na paliwanag.
Iyon ang unang dahilan kung bakit kami uuwi ng Korea. Daddy Jun Yeon died several days ago dahil sa sakit sa puso. Naging maingay na balita ito maging sa ibang bansa kaya naman nalaman namin ito. At bilang pakikiramay ay dapat kaming umuwi doon. Kailangan ni Kai ng karamay ngayon, I Know na ayaw niyang makiramay ako doon pero sa tingin ko mas gagaan ang pakiramdam niya kung makikita niya ang anak niya.
Wala na akong balita sa pamilya ni Kai, maging kay Min Joon at Soo Jin. Ang huli ko lang nalaman ay engaged na si Kai kay Soo Jin last year pa, ngunit hindi ako sigurado kung kinasal na nga sila. Masakit na malaman iyon at mahirap na wala akong magawa. Pero siguro ito ang kapalit ng pag-iwan ko sa kanya at kay Min Joon. Ito ang hiniling ko sa kanya, ang mabuo niya ang nasira niyang pamilya.
"Edi Mommy, hindi ko po ulit makikita ang another Lolo ko?"
Wala na akong nasabi kundi ang paghingi ng tawad sa kanya. Nang dahil sa akin, maraming bagay ang hindi niya naranasan at may mga taong hindi niya nakilala. I screwed her life. and that's the biggest mistake that I made in my life.
---
Touch down. Andito na kami sa Korea at mabilis na nakarating sa hotel. Hindi kami tumuloy sa bahay namin dahil nga malayo ito sa Seoul. Kabado kaming dumating sa burol ng Papa ni Kai. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya. Hihingi muna ba ako ng tawad o magsasabi ng aking pakikiramay.
Nasa may pintuan pa lang kaming mag-ina ay nakita na ako ni Soo Jin. Maiksi na ang kanyang buhok ngunit mas maganda siya ngayon. Gulat na lumapit ito sa akin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...