Chapter 41 (Lost Star)

8.6K 192 7
                                    

Matapos kung mabasa ang sulat ay agad kong tinawagan ang Ate at Mama ni Hyeon Ki pero kahit sila ay ayaw sabihin kung saan naroroon ito. Bukod sa kanila ay meron pang isang tao na paniguradong alam kung nasaan siya.



"Bakit mo ako pinapunta dito?" inangat ko ang aking ulo at tiningnan ang dumating.



Umupo siya at ngumiti. "Wala man lang bang pag-alok ng drinks dyan?" Mayabang na tanong nito.



"Nasaan si Hyeon Ki?" Diretso kong tanong dito.



"Woah! Hinay-hinay lang."



"Tao, just tell me where she is right now."



Tumawa na naman ito ng nakakaloko. "So, umalis na pala talaga siya. I guess sinunod niya talaga ang payo ko."



Agad ko siyang hinila at kwinelyuhan dahilan para mapatingin ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop.



"Anong sinabi mo sa kanya dahilan para umalis siya?! Sabihin mo!"



"Hindi ka ba nahihiya sa mga tao dito? Isang anak ng hotel owner, ganito ang ginagawa?" He grinned.



"Wala akong pakialam sa kanila! Ngayon, sabihin mo..anong sinabi mo sa kanya at nasaan siya?!"



"Sinabi ko lang naman sa kanya na may mga bagay na dapat ipaglaban, ngunit kung patuloy itong lalayo sa kanya ay mas mainam na bumitaw na lang siya. At mukha namang nagising na siya."



Hindi ko na napigilang idapo ng malakas ang kamao ko sa kanyang mukha dahilan para matumba siya sa sahig. "Sino ka para sabihin sa kanya ang bagay na yan?! Huh?!" Agad naman itong bumangon at malakas akong tinulak.



"Oo, wala nga akong karapatan , pero kahit ikaw wala ka ring karapatang saktan siya at pagtaksilan siya behind her back. Hindi pa nga kayo kasal, ang lakas ng loob mo! Bilang kaibigan niya ay karapatan kong suportahan siya. Nanahimik ako noon Kai, at ngayon ay di na ako makakapayag na saktan mo pa ulit siya."



Natigilan akong sinabi niya. "Anong sinasabi mong sinaktan ko siya?"



Ngumiti ito. "Pagpakatotoo ka na nga! Sa susunod na gagawa kayo ng bagay ni Soo Jin na ikasasakit ni Hyeon Ki, siguraduhin niyo namang walang makakakita, lalong-lalo na siya! Gago ka! Alam mo ba yun?! Gago ka!"

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon