Chapter 19 (The One That Got Away)

11.3K 226 1
                                    

"Saan mo gustong kumain pagkatapos nating mag shopping?" Tanong ni Kai habang nagmamaneho siya.


"Gusto ko ng umuwi, pwede bang next time na lang kita samahan?" Sabi ko.


"Bakit? May nangyari ba kanina? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niyang muli.


"Bakit hindi mo inalam kung nasaan si Soo Jin kahit alam ni Dana?" Tanong ko naman sa kanya.


Bumagal ang takbo ng sasakyan at napatingin siya sa akin na ngayon ay nakatingin lang sa labas ng bintana.


"Sinabi ba niya sayo?" 


I nodded. "Hindi ko na sinabi yun sayo kasi ayaw ko na mag-isip ka pa." He reasoned out.


"Talaga? Di ba mas nakabuti kung tinanong mo na lang kay Dana kung nasaan si Soo Jin at hinanap siya? Hindi mo na sana kinailangan ng tulad ko at hindi mo na rin kinailangang mag-sinungaling sa anak mo."


"Hindi mo naiintindihan. May malaki akong rason kung bakit ayaw ko na siyang bumalik sa buhay namin."


"Anong rason mo? Hindi mo na naisip na baka nangungulila si Soo Jin sa anak niya? Hindi ka ba naaawa sa kanilang mag-ina?"


"Hyeon Ki, you don't understand! She left us just because of another guy!" 


"A-anong ibig mong sabihin?"


"After niyang manganak ay ibinigay niya ang bata. Sumama sa ibang lalaking mas mayaman sa akin. Ngayon, sabihin mong mali ako. Mali bang protektahan ko ang anak ko mula sa nanay niyang makasarili? Hyeon Ki, kahit gustuhin ko mang pabalikin siya noon hindi ko magawa dahil ayaw niyang bumalik. Nang tumagal ay galit na ang nabuo sa akin para sa kanya dahil ni minsan hindi niya man lang tinanong sa akin kung ayos lang ba si Min Joon...kahit hindi na ako ay ayos lang, pero anak niya? Anong klase siyang ina. Alam mo ba na dati ay hiniling kong hindi maging maayo ang pag-sasama nila ng lalako niya para bumalik siya. Pero ngayon maayos ng wag siyang bumalik. Kaya kahit alam kong alam ni Dana kung nasaan siya ay di ko na lang inalam."

Tameme ako sa mga sinasabi niya ngayon sa akin. Unti-unti ng nasasagot ang mga tanong ko sa isipan.

"Kelan mo pa nalaman na alam ni Dana ang kinaroroonan ni Soo Jin ngayon?" I asked. 

"One month after you came. At masaya na naman kaming wala siya, masaya kami kasama ka. Kaya ano pang saysay na bumalik siya? Pinagpalit niya ang anak niya sa iba. Pero dahil kay Dana ko mismo nalaman na ayaw niya ng bumalik, hindi ko na siya ipapakilala sa anak niya."


"Minahal mo pala talaga si Soo Jin. Akala ko ba fling mo lang siya noon?"


"Okay nagsinungaling ako sayo noon dahil akala ko hindi mo na naman kailangang malaman ang tungkol sa amin noon."

"So ngayon, pwede ko na bang malaman? Kasi Kai mababaliw na ako sa sobrang daming lihim sa buhay mo! Minahal mo ba siya?" I cried.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon