Isang linggo matapos ang pagbabati namin ni Daddy ay maayos na ang lahat. Tuloy parin ang preparation para sa kasal namin. Soo Jin is still trying na makabawi sa anak niya at mukhang maayos naman ito. I just hope na lagi kaming ganito.
Nasa opisina ako ngayon ng biglang pumasok ang Daddy.
"Kai, what is this?" kinakabahang tanong nito habang lumalapit sa akin na may hawak na isang putting envelope.
"Ano yan Dad?"
"Resignation letter." Aniya.
"Oh? Kanino naman yan? Sinong nagresign?" Nagtatakang tanong ko at kinuha ko ito mula sa kanya. Nagulat na lamang ako ng mabasa ang nilalaman nun.
"Hyeon Ki. She resigned an hour ago. Nakita ko na lang yan sa lamesa ko kanina and when I tried to look for her, wala na siya at ang mga gamit niya sa opisina niya. Ano bang nangyayari anak? Alam mo ba ito?"
Nanlumo ako sa narinig ko. "I absolutely don't know that Dad. Wala naman kaming napag-usapan dyan."
"Baka naman gusto niya lang maging hands-on sa pamilya niyo after ng wedding, hindi kaya?"
"I think Dad. Don't worry, uuwi ako sa bahay at kakausapin siya. Baka naman may explanation siya tungkol sa papel na ito." Pinunit ko ang resignation letter at agad na kinuha ang phone at susi ng kotse ko bago umalis ng building ng kumpanya.
Ano bang iniisip niya? Pinapakaba niya ako. Nahihirapan ba siya sa trabaho at bigla siyang nag-resign? Sana ay sinabi niya sa akin para naman natulungan ko siya. Marami akong magagawa dahil my father owns the company!
Madali akong nakarating sa bahay at agad na pumunta sa kwarto namin. Hindi ko alam kung bakit sa pagpasok ko doon ay nanlamig ako.
"Hyeon Ki?! Nasaan ka?" Pagtawag ko ngunit walang sumasagot. Hinanap ko siya sa buong bahay ngunit walang Hyeon Ki na nagpakita sa akin.
"Sir, hinahanap niyo po ba si Mam?" Tanong ni Manang.
"Opo. Nasaan siya?"
"Nakita ko siyang dumating dito kanina mula sa trabaho pero pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita. Baka naman po nasa banyo lang kwarto niyo."
"Pumunta na ako sa kwarto namin pati sa kwarto ni Min Joon, pero wala siya doon. Sige po, aakyat ulit ako doon baka naman hindi niya lang ako narinig."
Kahit noong binuksan ko ang pinto ng banyo ay wala siya doon. Nagsimula ang pagiging kabado ko. saan naman siya pupunta? Nag-mall ba siya? Sana man lang tinawagan niya ako at sinamahan ko siya. Hindi iyong ganito hindi ko alam kung nasaan at anong ginagawa niya.
I tried calling her pero laging unavailable ang linya niya. Napansin ko bigla ang isang lumang voice recorder na nakapatong sa aming kama. Agad koi tong kinuha at binuksan. At sa pagbukas ko noon boses niya ang narinig ko na tumitikhim bago nagsalita.
"Wala akong lakas ng loob na sabihin ang mga bagay na ito ng harapan dahil alam kong sa mga desisyon ko ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa iyo. Kaya naman naisip kong magvoice recording na lang. Malamang sa kasalukuyan ay hinahanap mo ako, Kai at nakita mo na rin ang resignation letter ko sa kumpanya ninyo. Alam kong naguguluhan ka sa ngayon pero nag-iwan ako ng voice record para kahit papaano ay malinawan ka sa mga nangyayari. I'm leaving Kai, sa malayo. Marami akong aayusing bagay na hindi ka na kailangan sumama pa. Matagal ko ng gustong umalis, magmula ng bumalik si Soo Jin pero ngayon ko lang ginawa dahil may mga pangako pa akong di natutupad. Isa sa mga pangakong iyon ay ang tulungan kayo ng Daddy mong magkaayos. At sa kabutihang-palad ay naging maayos na kayo. Ikakasal na tayo, alam ko iyon pero ito ako, umalis. Mas maganda ng umalis ako ng maaga at hindi ka pa natatali sa akin kesa naman iwan kitang may legal na koneksyon na tayong dalawa. May nakita akong bagay na nagpatunay sa akin na kinakailangan ko na ngang lumayo. I know magagalit ka dahil sa pang-apat na pagkakataon ay iniwan ka na naman ng taong mahal mo. Pero tandaan mo, hindi ka iniiwan ng mga taong mahalaga sayo dahil sa gusto ka nilang saktan, kundi para magbigay ng mas malalaking oportunidad upang maging masaya ka. And I chose to give you the happiness but not with me. I just hope na sa paglayo ko ay mahanap mo agad ang kasiyahang iyon, kasama si Soo Jin at Min Joon. Sana ay mabuo ninyo ang pamilyang naudlot noon. Si Baby, aalaagaan ko siya at palalakihin ng mabuti. Pero hindi ko naman siya ilalayo sayo ng matagal, pag okay na ang lahat ay ipapakilala ko siya sa iyo. At katulad ng nangyari kay Min Joon at Soo Jin, magiging maganda ang relasyon niyo ng magiging anak mo, ngunit hindi pa sa ngayon. Gusto kong maisip mo na hindi ako ang kaligayan mo...hindi nga kita maipaglaban, paano ko pa masasabing karapat-dapat ako sa pagmamahal mo hindi ba?"
Sino siya para sabihing hindi siya ang kaligayan ko? at bakit kailangan ilayo niya pa ang anak ko sa akin? Hindi ako mabubuo ng wala silang dalawa!
"Ngayon palang kai ay humihingi na ako ng sorry dahil sa desisyon kong iwan ka, pero alam kong ito ang mas makakabuti. Alam kong sa pagbalik ko kasama si Baby ay hindi mo na ako mabibigyan ng ngiting lagi kong nakikita sa mga labi mo dahil mapapalitan na ito ng galit. Iisipin mong alam ko na nga kung gaano ka kagalit sa mga taong nang-iiwan pero ito ako, naging isa sa kanila. Ngunit hindi naman lahat ng nang-iiwan ay hindi na babalik. Sana maintidihan mo. Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita na higit pa sa buhay ko. I hope na ang pagkawala ko ay hindi magsilbing dahilan para manghina ka, kundi maging isang lakas na mapatunayan sa aking mali ang pag-alis ko. See you when we're both whole. I love you Kai."
I was left crying until the record ended.
Matapos marinig ang voice record na iniwan ni Hyeon Ki ay binuksan ko ang closet namin upang mapatunayang isang malaking joke lang ang mga narinig ko. ni isa sa mga gamit niya ay wala doon maliban sa isang bagay...our engagement ring.
And once again..another person left me. Ganun ba ako kadaling iwan?
---
AN: I'm sorry guys.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...