Chapter 3 (The Byuntae Side)

18.3K 388 3
                                    

Nagising ako nang madilim parin sa labas.



I looked at the time, 11:23 pm palang? Akala ko madaling araw na. Paputol-putol ang tulog ko dahil hanggang ngayon ay namamahay parin ata ako. Wala parin ata si Kai hanggang ngayon, sobrang workaholic kasi.



Bumangon ako at naisipan kong pumunta sa kitchen para uminom ng tubig.



Umiinom na ako ng tubig ng biglang may narinig akong ingay sa may sala. Shems! Matatakutin pa man din ako.



Naririnig ko ang yabag na papalapit sa akin. Anong gagawin ko? Sisigaw ba ako? Or bubuhusan ng tubig 'yong tao?



"What are you doing?"



"AY GWAPO!" Sigaw ko. Shuta! Si Kai lang pala!


Bunganga mo! Gwapo ka d'yan?!



"Ako, gwapo?" Tanong nito.



"'Yun lang talaga expression ko kapag nagugulat." I denied. Pero gwapo naman talaga siya. Bulag lang ang magsasabing hindi.



"Eh anong ginagawa mo dito? It's late." aniya.



Bahagya kong itininaas ang basong hawak ko. "Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Namamahay pa siguro ako, tsaka uminom ako ng tubig." 



Tumango siya.



"Kakarating mo lang?" Tanong ko.



Honestly, sa ilang araw ko na dito..ngayon lang kami nag-kausap ng ganito. Snob kasi siya e, kaya 'di ko na rin masyasong kinakausap dahil baka matarayan lang ako.



"Kakarating ko lang."



"Halata nga, mukha kang pagod. Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" Tanong ko.



"Kape? Ayaw mo ba akong matulog?"



"Ay oo nga pala..caffeine. Sorry. Hot choco, gusto mo? Ipagtitimpla kita." I replied.



Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon