Chapter 43 (Acceptance)

8.6K 201 5
                                    


Naging mabait siya sakin. Nakita nia sa akin ang mga bagay na kahit kailan ay hindi ko nakita sa sarili ko, at iyon ay ang tiwala at bilib sa sarili. Hindi niya pinansin ang pagkakalayo ng estado ko sa buhay sa kanila. Tinuring niyang parang sariling pamilya ang aking pamilya. At sa mga bagay na iyon, higit akong nagpapasalamat. Ngunit sa mga nangyayari, gusto kong humingi ng kapatawaran, hindi ko ginawa ang pangakong aking matagal nang binitawan sa kanya. I'm sorry Daddy Jun Yeon. Iniwan ko ang nag-iisang taong nanatili sa kanyang tabi kahit na hindi sila nagkakaintindihan noon. inalis ko sa kanya ang pagkakataong tumayo bilang isang Lolo sa apo niyang si Kaila. Ni minsan ay hindi man lang naranasan ni Kaila na makapaglaro kasama ang lolo niya, ang maramdaman ang pagmamahal ng isang Lolo, at ang mabigyan ng regalo mula rito.



At sa pagkawala ng isang taong nagtiwala at nagmahal sa pamilya namin, labis akong nalulungkot at nagsisisi. Sana man lang mas maaga kong nadala ang anak ko dito at natama pa sana ang kamalian ko. Patawad Daddy, I hope masaya ka na ngayon. May you rest in peace. Thanks for everything.



-

Matapos ang libing kahapon ni Daddy Jun Yeon ay hindi ko pa nakakausap si Kai. He said na tatawag na lang siya, but I bet hindi pa niya iyon gagawin dahil nagluluksa pa siya. Wala doon si Min Joon, sobrang close nga naman niya sa Lolo niya kaya siguro ay hindi niya piniling magpunta doon. Namimiss ko na siya, gusto kong mayakap ang bata iyon. Tatawagin niya pa kaya akong Mommy? Hindi na ako magtataka kung hindi dahil sigurado akong galit siya sa akin. I told him before that I will never leave him and his Dad, but I did. Wala akong pinagkaiba sa mga nang-iiwan ng mahal nila.



"Mommy, when will I'll be able to see my Dad again? Did he called you already?" Pangungulit ni Kaila.



"Anak, marami pang ginagawa ang Daddy mo kaya siguro hindi pa siya makatawag. Pero wag kang mag-alala, pag tumawag siya I'm sure sasabihin niyang dalhin kita sa kanya."



"Makikilala ko na rin si Kuya Min Joon?" Tumango ako. She knows about Min Joon. Matalinong bata siya kaya madali siyang makaintindi ng mga komplikadong sitwasyon.



"Are you really sure Dad will marry Tita Soo Jin?" Dagdag niya.



"I guess so." Yun lang ang kaya kong isagot sa kanya ngayon. Masyado pang magulo kaya hindi ko rin alam kung anong nangyayari at mangyayari. "But no matter what happens, you should respect your Dad's decisions okay? Respect Tita Soo Jin too. Do you understand?" Tumango siya.



Ilang sandali lang ay narinig kong nagring ang phone ko. agad ko naman itong sinagot. "K-kai?"



"Bakit parang nagulat ka atang tumawag ako? Are you expecting me to imprison myself inside my room all day? You know that I'm not that kind of person. I'm used of someone leaving." Makahulugang sagot nito.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon