✓ CHAPTER 42: Fake pregnancy

4.9K 157 0
                                    

Ian

"She's my long lost childhood friend."

"Nagbibiro ka ba?" Rj.

Nagexplain pako kung hindi naman sila maniniwala.

"Oo nga. Nasakin pa yung birth certificate niya. Yun nga lang, nasa dorm."

"Anong balak mo?" Ace.

"H-hindi ko alam. Nandito kasi tayo sa resort ng pamilya niya. Pag nalaman nila na nandito ako tapos nagtagpo ulit kami, ilalayo na nila si Lez satin lalo na sakin. Ayoko ng mangyare yun."

Bigla akong hinawakan ni Ace sa balikat.

"Bro, hindi namin alam kung paano ka namin matutulungan pero kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kami para sayo. Nakaraan niyo lang ang nakwento mo samin pero mahirap ipaliwanag sa kanya na nagkamemory loss siya 9 years ago tapos ikaw yung kababata niya. Kung pipilitin mo siya na ipapaalala ang lahat, siya na mismo ang lalayo sayo. Kilala ka namin. Matagal mo na siyang hinahanap. Kaya sana dahan-dahan ka sa mga kilos mo."

Tama siya. Kailangan ko talaga magdahan-dahan sa kilos ko at sa mararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Lez. Hindi ko inexpect na siya pala yun. Ang layo kasi ng ugali eh.

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya.

"At ano nanaman yang pinaguusapan niyo?"

Napatingin kami sa likod at laking gulat namin si Kei pala. Sana hindi niya narinig.

"Tss! Kanina pa namin kayo hinahanap at nagiinit na ulo ni Lez dun. Tara na nga!"

Sumunod kami sa kanya at saka kami nagkatinginan sa isa't isa.

Sana talaga wala siyang nalaman.

"SAAN KAYO GALING?!"

Okay. We didn't expect that. Pagkatuntong namin sa pintuan, sinigawan niya agad kami.

"Told yah." pangaasar samin ni Kei.

"SAAN KAYO GALING?! TINATANONG KO KAYO!"

"Tumawag si mom sakin sa phone. Kinakamusta kasi yung tatlo." sabi ko sa kanya.

Napakalma naman siya and she sigh.

"I'm sorry. Next time kasi wag kayong basta basta umaalis tapos hindi pa namin alam. Well anyway, magbihis na kayo. Pupuntahan natin si Daddy. He wants to meet you all."

"ANO?!" sabay-sabay naming sabi.

"Oh? Bakit? Ano pang inaarte niyo? Bilis naaaa! Magbihis na kayo. Daliii~" sabi niya and she keep pushing us hanggang sa natulak niya kami sa isang kwarto.

"Bilisan niyo ha." she said then sinarado niya yung pintuan.

"Bro, anong gagawin natin?" Ace.

"Bahala na." sabi ko at saka bumagsak sa isang higaan.

Lumabas kami ng kwarto. Dapat ako lang sana ang magsusuot ng shades kaso nagsuot din sila para hindi halata. Nakasando lang ako at pinatungan ko lang ng jacket and nakashort ako.

"Anong meron at nakashades kayong apat?" tanong ni Lez samin.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi talaga ako makapaniwala na siya talaga yung kababata ko.

"Ian, tinatanong kita kung bakit nakashades kayong apat?"

"A-Ah. Baka kasi makita kami ng mga fans namin at pagkaguluhan pa kami." I said to her.

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon