Lez
Kinuha na namin yung mga gamit namin at naglakad palabas ng airport. Habang nagaantay kami ng taxi, ito nanaman yung gutom ni Mien.
"Lez, kain muna tayo." pilit niya sakin. Tinarayan ko lang siya.
"Alam mo, Mien. Ikaw lang ang gutom. Mahiya ka nga!" saway ko sa kanya. Bahala siya magutom diyan.
"Ako din naman eh nagugutom." singit ni Kei. tss! Kahit kailan talaga tong' dalawang to. Laging magkakampi.
"Tara na nga!" sabi ko tapos nauna nako sa kanila.
"Libre mo ha!" oh! Namburaot pa.
•
Nandito kami ngayon sa isang Fastfood Restaurant. Madaming tao dito sa loob at yung iba ay ang iingay pa. Ano ba yan! Mga walang table manners.
Umupo na kami at nilapag yung mga gamit namin. Tumayo ako at tinanong kung ano yung oorderin nila. Nakakahiya kasi sa kanila!
"Kei, ano oorderin mo?" tanong ko kay Kei. Nagisip muna siya bago magsalita.
"Spaghetti at Fries."
Binaling ko naman yung tingin ko kay Mien.
"Uhm, Burger lang sakin."
Sinamahan ako ni Mien sa counter at naiwan dun si Kei. Grabe, Ang ingay talaga dito! Kada may madadaan kaming table, may maririnig kaming tawa at may umiiyak pa. Infairness!
Kei
Nandito ako magisa sa table namin. Sa totoo lang, naririndi ako sa kaingayan dito sa pwesto na'to. Wala na bang ibang pwesto kung saan tahimik. Tumayo ako at inikot ng mata ko yung paligid para maghanap ng iba pang pwesto. I can't see any other space but I saw something unexpected.
No! This can't be. Shit! Baka nagkakamali lang ako.
Napaupo ako sa nakita para siguraduhin na wala akong nakita. Tama! Wala akong nakita.
Tumayo ulit ako at binalikan ng tingin yung pwesto na yun. Aaargh! It's him. My ex-boyfriend, Lucas Mercado at madami siyang kasama. Pero iisang tao lang ang kilala kong kasama niya. And that is Cathy Serafico. A girl who was the reason why we broke up.
Pero teka .. bakit niya kasama yang Cathy na yan eh yan nga ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Lucas?
I saw Cathy look at me then I hurriedly hide. Later on, nakarinig ako ng hiyawan. Nung hinanap ko kung saan yon, dun pa rin pala sa pwesto na yon but ... I saw Cathy and Lucas kissing. Whatdaaa! I can't believe Lucas is responding.
I saw Cathy look at me again then she flash her devilish smile. So, she knew that I am here.
"Bakit ang ingay dun?" nagulat ako kasi nakabalik na pala sila Lez.
Hindi nalang namin pinansin yung ingay dun at kumain nalang kami. Habang kumakain kami, di ko maiwasan ang tumingin sa kanila. Hanggang ngayon, madami pang tanong sa sarili ko.
Bakit kasama ni Lucas si Cathy? And why did he respond to her kisses? I thought ... Argh! He lied to me.
"Cr lang ako." paalam ko sa kanila at dali-dali akong pumunta sa comfort room. Dun ko nalang ilalabas lahat ng sakit na mararamdaman ko dahil gulong-gulo talaga ako.
I went inside the comfort room and face the mirror. One tear fall from my eyes.
Umiiyak ako. Umiiyak ako. Iniiyakan ko siya. Bakit ko ba siya iniiyakan? Ex boyfriend ko lang siya at wala nakong karapatan sa kanya pero nagsinungaling siya.
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.