Vinz
"She's my girlfriend."
All of them were shocked. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Nate. Alam kong may halong galit ang pagkagulat nila. Agad na lumapit si Lez kay Nate.
"Girlfriend mo si Violet?" Lez.
Sumunod naman siyang tumingin sakin. "Bakit hindi mo sinabi samin ni girlfriend niya si Violet?"
Ni isa samin walang nagsalita.
"Bakit hindi kayo makapagsalita? Bakit hindi niyo sinasagot ang mga tanong ko? So, niloloko niyo lang si Emi at si Violet? Gumagawa kayo ng dahilan para umiyak buong gabi si Emi samantalang si Violet naman ay desperadang makasama si Vinz? Yun ba ang intensyon niyo? Akala ko pa naman si Vinz na ang gamot para sumaya ulit si Violet pero hindi pala. So, ano? Gusto rin ba makasama ni Nate si Emi kaya binitawan niya ang pagiging boyfriend niya kay Violet kaya gustong-gusto makasama ni Violet si Vinz at pag nakuha niya si Vinz, maiiwan si Emi at saka siya sasandal kay Nate? Ganun ba yon? Kasi kung ganun, MGA WALANG HIYA KAYO! PINAPAIKOT NIYO LANG SILA! INUUTO NIYO LANG SILA DALAWA! MGA BWISIT KAYO! AYOKO NG MAKITA NG PAGMUMUKHA NIYO! ALL THIS TIME, HINDI LANG PALA SI EMI ANG NAGMUMUKHANG TANGA! PATI RIN PALA SI VIOLET! I HATE BOTH OF YOU TO DEATH!" then she started crying.
"H-hindi mo naintin--" pinutol ni Lez yung sasabihin ko.
"AYAN NANAMAN TAYO SA PAMBANSANG MONG SALITA NA HINDI NAMIN NAINTINDIHAN! OBVIOUS NAMAN DIBA NA PINAGLALARUAN NIYO LANG SILA!"
"Stop it! Totoo ang sinasabi niya! All of you still dont understand everything!" sigaw sa kanila ni Nate. Nagulat sila sa inakto sa kanila ni Nate.
"Nagbago ka na, Nate? You're not like that before. What is there that we should still understand? Malinaw na diba? Both of you were playing them." depensa ni Lez.
Pero nagulat kami nang sigawan siya ni Nate.
"Pwede ba? Pagsalitain mo naman kami! Hindi yung feeling mo ikaw lagi ang tama! Sasabihin mong nagbago ako? Ikaw, kayong lahat ang nagbago! Akala mo ba ikaw lang yung nasasaktan ngayon sa nangyayare? Pati rin naman kaming dalawa ha! May nararamdaman din kami, Lez. Naiintindihan mo ba yun? May nararamdaman din kami! Yung babae sa loob? She's my girlfriend for almost 1 year magmula nung umalis ako dito. And yung babaeng nakasalampak kanina sa sahig? Kaibigan ko siya. Minahal ko siya noon. Sa tingin mo, wala akong nararamdaman para sa nangyayari sa kanila. Parehong nasa critical ang kondisyon nila ngayon pero isa lang ang mabubuhay. Alam mo ba yon?!" halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Nate.
Kumunot yung noo nilang lahat.
"Mabubuhay? Niloloko mo ba sarili mo? Sa tingin mo, may chance pa silang mabuhay? Isang may heart cancer at isang may Leukemia. Sino sa tingin mo sa kanila ang mabubuhay?!" pagalit na sabi ni Kei.
"Hindi niyo rin ba naiintindihan? Wala ng lutas ang sakit ni Violet! Pero yung kay Emi, may chance siya diba? At hindi niyo rin ba naiintindihan na, si Violet ang kawawa dito dahil kinusa niyang ibibigay ang puso niya kay Emi kahit alam niyang may galit siya kay Emi kung ang kapalit ay ang pagistay ni Vinz sa tabi niya? Hindi niyo ba naiintindihan yon? Mga wala kayong puso!"
Di ko na napigilan. Napaluha na rin ako nung napatingin silang lahat sakin. Naaalala ko ang mga sinabi sakin ni Violet na ibibigay niya daw lahat para mabuhay si Emi kapalit ng pagstay ko sa tabi niya. I knew na gagawin niya tong' bagay nato.
"Ibibigay niya puso niya? Vinz, pwedeng p-pakiexplain?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Lez.
Napatingin ako sa taas. "Nalaman niyang mas pipiliin ko si Emi kaysa sa kanya and nalaman niya rin na transplant ang lutas para kay Emi. She decided na idonate yung puso niya kapalit ng pagistay ko sa tabi niya." and one tear drop from my eye.
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.