RJ
Nandito kami sa company ni dad at nasa elevator kami papunta sa office niya. SHIT!! Papagalitan ako niyan dahil sa nangyare kay Riah. Napakatanga kasi ni Kei. Nakooo, nanggigigil ako.
About her, eto kasama ko siya. Pinapatawag din siya ng daddy ni Riah. Nabibilib talaga ako sa babaeng toh. Kung titingnan niyo, ang kalma niyang tingnan.
Pagkabukas ng elevator, nauna siyang lumabas at taas-noong naglalakad sa may hallway. Tss! Magpapatalo bako? Nilusot ko yung kamay ko sa magkabilang bulsa at maangas na naglakad. Ohdiba, madami ding nainlove sakin.
Pagdating namin ng office, diretso siyang pumasok at walang-galang na umupo sa couch. Bilib na talaga ako sa kanya.
Napatingin naman ako kay dad na ang sama ng tingin sakin. Patay!
Umupo ako sa tabi ni Kei. Magkatabi kaming dalawa at katapat namin si Dad at si Mr. Dela Verga, yung dad ni Riah.
"So, you called us?" tanong agad ni Kei.
"Yes at napakalaki ng kasalanan mo sa anak ko." Mr. Dela Verga.
"Malaking kasalanan na ba yon? Nawalan lang naman siya ng malay diba? Tss. Dalhin niyo lang sa hospital yun, okay na yun." Kei.
Napatawa si Mr. Dela Verga sa inasta ni Kei sa kanya.
"Bilib din ako sayo, miss. Ang tapang mo." Mr. Dela Verga.
"Ngayon mo lang nalaman? Pakamatay kana. Tutal, tumatanda kana." Kei.
Biglang nagsmirk si Mr. Dela Verga. "Be my daughter's slave or else maghihirap kumpanya nila dahil sayo." hamon niya kay Kei.
Ningitian muna siya ni Kei.
"Kung dyan lang din pala magtatapos ang usapan. Kailangan niyo muna marinig lahat ng sasabihin ko para malaman niyo kung sino yung kinakaharap niyo." Kei.
"Una sa lahat MR. DELA VERGA. I'm Khloe Mei Servuentes. Siguro naman, naaalala niyo yung apelyidong SERVUENTES. Pangalawa, kung sinusuka niyo sila dahil sa nangyaring katangahan ng anak niyo, then ako sasalo sa kanila. RJ will be my fiance and the Trevada and Servuentes Inc. will have the ultimate collaboration. It's not their lost, it's your lost. And lastly, pakamatay na talaga kayo. Tumatanda na talaga kayo eh. Nagiging ulyanin na kayo sa mga taong nakakalaban niyo." tumayo siya. "So, the discussions ends here and I must get going. Pupunta ako sa lugar kung saan may sense ang topic."
Dire-diretso naman siyang lumabas at iniwan kaming tulala. That's it? She w-will be m-my FIANCE? The hell was that!
Dali-dali din akong lumabas hanggang sa makalabas nako ng building. Nakita ko siyang papalapit sa kotse niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Bubuksan na sana niya nang hablutin ko yung kamay niya. Napatingin naman siya sakin.
"May kailangan ka?" tanong niya.
"Oo. Bakit kailangan mong gawin yun? Bakit hindi mo nalang kaming hayaang gumawa ng paraan?"
"Ang choosy mo pa. Hindi mo pa ba tanggap na magfiance tayo at magsasama na ang kumpanya natin? Ikaw na nga yung tinulungan, ikaw pa yung nagiinarte!" Kei.
"Bakit kailangan mong mangelam? Bakit kailangan mong isingit yang kumpanya mo? Bakit kailangan mong tanggalin ang kumpanya nila sa kumpanya namin?" Ako.
"Anong gusto mong gawin ko? Tanggapin ko yung utos niya na maging slave ako sa anak niya? Hah! Pakilamon nalang."
Binuksan niya yung kotse niya pero sinarado ko ulit.
"ANOBA!!"
"BAKIT ANG HILIG MONG MANGELAM? PAKELAMERA, PAPANSIN, MAYABANG AT PASIKAT. UGALI MO YAN EH!! ANG YABANG MO. HALOS IPAMUKHA MO NA SAMIN NA MOST NEEDED YANG KUMPANYA NIYO. NA KAYA NIYONG SALBAHIN KUMPANYA NAMIN TO THINK HINDI NAMIN KAILANGAN TULONG MO!!" saka ko hinawakan ang magkabilang balikat niya. "BAWIIN MO YUNG SINABE MO!!"
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.