✓ CHAPTER 27: Happiness

5.2K 186 9
                                    

Emi

"Pipirmahan ko lang yan kapag nilayo mo si Violet kay Travinz na Ex niya."

"How is that related sa contract?" halos mainis-inis niyang sabi.

"Bakit hindi mo pa gawin yung pinapagawa ko sayo? If you dont want to do it, then fine! Bukod sa mawawalan kayo ng model, mapapagastos pa kayo sa pamburol sa kapatid mo. If I were you, I will save her from one of the Mean Girl's hands."

Those final words will threatened her until she sleep. Sinabit ko na yung bag ko at lumabas na ng cafe. Wala nakong poproblemahin pa.

Bukas na ulit ako papasok. Magkacutting ako. Nagpara ako ng taxi and I told the driver na dalhin ako sa amusement park. Magpapakasaya lang ako! Tingnan lang natin kung hindi niya kayang gawin ang pinapagawa ko sa kanya. And, aarte pa ba siya? Isang Noemi Leen tatanggihan ang 'Quiet'? Tsk! Matatanggalan sila ng title bilang isang 'Global Fashion Company'. Mahirap kaya akong kuhaan bilang model.

Pagdating ko ng amusement park, naghanap agad ako ng mauupuan at kung minamalas ka naman, puro couples ang makakatabi ko. Oh ano? Pangasar lang! Try ko kayang paghiwalayin ang isang couple. Wag na! Nangongonsensya lang ako. Pasalamat sila, bumait ako!

It's so bored. Gusto ko sanang magride kaso I'm alone. Wawa naman ako. Maybe going to the amusement park was a bad idea. Magshashopping nalang ako!

Lumabas ako ng amusement park and went to the mall. Biglang nagring yung phone ko kaya tiningnan ko yung message.

'You don't understand, Noemi Leen. May boyfriend ang kapatid ko and I'm sure, binabantayan siya ng boyfriend niya. Besides, she cant just cling to her ex-boyfriend which is her past.'

I smiled. See? Walang kumpanya ang pinapakawalan ako bigla-bigla. Tinanggal ko yung battery ng phone ko at saka nilagay sa bag ko. I-eenjoy ko nalang yung pagmo-mall ko. I was just looking around nang may makita akong kagulat-gulat. B-bakit hindi sinabi sakin ni Manager na.. magkakaroon pala ng fanmeeting para sakin? Argh! I just saw a poster saying, "Having fun with Black Fashion? Try having fun with 'Noemi Leen' at the 'Fan Meeting Sunday' along with Teen Male Model, Jaizze Buenaventura."

Wait! Kasama ko pa si Ace? Aba, matindi!

"Is that Noemi Leen?"

Napalingon ako sa nagsalita na yun at.. OMG! Andaming tao!

"KYAAAAAH! SIYA NGAAA!"

Nagsilapitan silang lahat sakin. Argh! Hindi ako makatakas dahil naka4-inch heels ako. May mga nagpa-autograph at nagpapicture. May mga nagtanong pa tungkol sa previous issues sakin. Kada kokonti ang tao, saka may magdadatingan. Takte naman kasi yan si Manager! Kung sinabi manlang niya sakin na magkakaroon pala ng continous fan meeting, edi sana hindi na muna ako nagpupunta sa mall. Bwisit!

After almost 1 hour dealing with the crowd, dumiretso nako palabas. Ano pa bang gagawin ko sa loob eh puro autograph signing lang naman ang magaganap? Mas maganda na yung umuwi nako since maggagabi na rin naman. Sumakay nako ng taxi and went home.

Dumiretso agad ako sa dorm at nadatnan kong si Kei na nagbabasa ng dyaryo. Automatically, napataas ako ng kilay. Since when pa siyang natutong magbasa ng dyaryo?

"I thought nasa hospital ka and what are you reading in the newspaper?" sabi ko at nilapitan ko siya.

"Ikaw."

"What?"

She look at me. "Ikaw ang binabasa ko sa dyaryo."

Tumayo siya at hinarap sakin yung dyaryo.

'TEEN MODEL NOEMI LEEN DECLINED THE OFFER OF WHITE JAVIER TO MODEL THEIR NEW RELEASE AND THREATENED HER TO PREVENT HER SISTER FROM APPROACHING TRAVINZ DAVIA, ONE OF THE FAMOUS BAD BOYS.'

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon