✓ CHAPTER 22: Girls' Revenge

5.8K 201 3
                                    

Lez

What? Eh anong connect nun sakin eh hindi naman ako si Marie? Pag nahanap ko yang Marie na yan, mapapatay ko siya nang hindi na ako napapagkamalan. Bwisit siya!

Dinuro ko yung matandang babae. "Pwes hindi ako si Marie. Sa susunod na tatawagin niyo naman akong Marie, magkakaroon na ng lamay sa loob ng bahay niyo. Tandaan niyo yan! Atska, sino ba kayo?" sabi ko sa kanila. Sorry ha! Kung hindi nako kagalang-galang. Hindi rin naman kasi siya kagalang-galang. Banas!

"I'm the mother of Ian and this is her elder sister, Yani." then ginesture niya yung kamay niya turo dun sa babae. Infairness! Kapatid pala ni Ian yung babaeng nagtawag sakin ng 'Marie' sa airport. Tsk! Magsama-sama sila!

Hinarap ko si Ace na kasalukuyang inaalalayan nila Emi at Kei. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit nandito ka? Diba dapat nagpapahinga ka?"

"Well, sa sobrang excite ko na nalaman kong nandito si Yani, lumabas ako." tuwang-tuwa niyang sabi.

"Excited your face! Ibalik niyo na yun dun at may paguusapan tayo!" sabi ko at nauna nakong lumabas. Myghad! Imbyerna naman tong' araw nato.

Pagkahiga nila kay Ace sa higaan, gosh! Hindi kami lumaki para maging babysitter ng badboys nato. Ang pagkakaalam ko, dormmates lang namin sila. Nilapitan ko sila Mien at Ace.

"Si Adrian ang gumawa sa inyo nito noh?" I ask them but all they did was bow their head. I clear my throat. "We saw it! On the CCTV. Ang lahat ng nangyari. Dont worry, I can handle everything. All you gotta do is .. magpahinga at .. tuloy ang laban next week!"

"WHAT?! FUCK! ARE YOU CRAZY? ANG DAMI NAMING BALI NA BUTO TAPOS TULOY ANG MATCH!" sigaw sakin ni Ace. Karindi!

"Kung maka-react ka parang kasali ka sa match, ang pagkakaalam ko ay sila RJ at Ian lang. Am I right?"

"FINE! LET'S SAY NA HINDI NGA AKO KASALI PERO SILA IAN ANG RJ! MAS MADAMI SILANG DAMAGE!"

I sigh. "Alam ko yun! Hindi ako tanga! At nagaalala din ako sa inyo. Believe me or not! I can handle everything. All you have to do is trust me. Mas kilala ko si Adrian and I know all of his weakness. Kung hindi ka maniniwala sakin, it's your choice. Hindi ko ikamamatay yan!" then I walk out.

Nakaramdam ako na may sumunod sa likod ko.

"Where are you going right now?" -Emi.

"School." -Ako.

"For revenge?" -Kei.

"Exactly." -Ako.

"Kami rin. Maghihiganti. Hindi naman ata ako papayag na walang hustisya ang pagsapak niya sa mukha ng fiance ko." -Kei.

"If I know, inlove ka na sa kanya." -Ako.

"Kung ganyan pala ang dahilan kung bakit nagrerevenge tayo para sa kanila, edi inlove ka na rin kay Ian?" -Emi.

"No." -Ako.

"Oh edi, no din ang sagot namin." -Emi.

Mga kaibigan ko talaga. Ang tataas ng common sense. Kaya love na love ko tong' mga to'.

Pagkababa namin sa van, dumiretso agad kami sa canteen. Break time na kasi so, malamang nasa canteen yung mga yun at nagdidiwang sila. Tsk! Buhusin ko sila ng oil at saka sindihan ng lighter nang masunog sila.

Pagkapasok namin sa loob, isang punyetang ingay ang sumalubong samin.

"WHOOOOOO! LET'S MAKE SOME NOISE."

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon