Lez
I stand up from my bed at umunat ako. Lumabas ako ng kwarto ko. Bat ang tahimik?
Pinasukan ko yung kwarto ni Mien at ayun! Mahimbing na natutulog. Sunod kong pinasukan yung kwarto ni Kei. Nadatnan kong walang kalaman-laman yung kwarto.
As what I expected, maaga siyang umuwi.
Nilibot ko yung kwarto niya at napatigil ako sa side table.
'Mianhae"
Tss. Magsosorry rin pala sa huli. Lumabas nako ng kwarto niya at dumiretso sa kusina. Paglulutuan ko nalang ng almusal si Mien.
Emi
Nandito pa rin ako sa hospital at tama nga kayo, kasama ko si Vinz. Ewan ko ba sa sarili ko. Sinanay ko na yung sarili ko sa presence niya. Pero siyempre, hindi mawawala ang katangahan sa kanya.
Kasalukuyan akong naglalaptop at nagf-facebook. Dumami ang friend requests ko magmula nung malaman nila na isa ako sa Mean Girls. Yes, you're right! Nalaman na ng lahat na kami lang daw pala yung Mean Girls na kinatatakutan nila. Karamihan sa iba, humihingi ng pasensya. Well, sila yung mga taong ang lalakas ng loob na labanan kami nung panahon na hindi pa nila alam na kami yung Mean Girls.
Biglang sumulpot yung pagmumukha ko at may kasama ako na hindi ko naman kilala. Ang malupit, bakla siya. Binasa ko yung descriptive ng picture.
Hi Ate Emi, I am your biggest fan. Naalala niyo pa ba yung bumisita ka sa school nami, Shanyiru University. Ako pa nga ang unang sumalubong sa inyo sa gate at nagpapicture pako sa inyo. Well, here it is. Picture of us. Sana magustuhan niyo. -Bekkie
Pagkatapos kong basahin, nagcomment agad ako.
'Pakitago nalang baka sakaling may pagkakataon na magustuhan ko yang larawan na yan.'
Ibaback ko na sana nang may nagsalita sa gilid ko.
"Sino yan? Boyfriend mo?" tanong niya habang nakatingin sa picture namin ng fan ko.
"Pakibasa nalang yung descriptive para malinawan ka kung anong status niyan sakin."
Mas lalo niyang nilapitan yung mukha niya para mabasa niya. And at the same time, naiinis ako. Habang nilalapit niya mukha niya sa laptop, nalalapit naman niya yung mukha niya sa mukha ko. Kaya ramdam na ramdam ko ang hininga niya.
Tinulak ko siya na ikinagulat niya.
"Huwag mo na ngang basahin. Magkapalit pa tayo ng mukha. Maawa ka naman sakin."
Ni-logout ko kaagad yung facebook ko at binalik ko na sa kanya yung laptop niya. Binalik ko yung sarili ko sa pagkakahiga.
"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom nako." pagrereklamo ko.
Umupo lang siya sa sofa at kinalkal yung cellphone niya.
"Aantayin natin sila Ian. May dala silang pagkain. Dito daw sila tatambay buong maghapon." sabi niya habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.
"Tss. Para maganda ang pagpunta nila dito, sabihin mo sa kanila na dalhin nila yung gadgets ko. Laptop, cellphone, earphone especially charger. Tanga nalang ang hindi magdala nun." sabi ko sabay harap sa kabilang gilid ko.
"Matutulog lang ako."
Kei
Tumigil na yung taxi sa tapat ng gate at nagbayad nako sa driver. Kinuha ko na yung gamit ko at diretsong pumasok papunta ng dorm. Napaaga yung uwi ko sa Pilipinas dahil napakaaga ng pagalis ko ng America.
Pagbukas ko ng pintuan ng dorm, may nakita kaagad akong babae na kakalabas lang ng walkin-closet namin ni Lez at dala niya ang iba naming damit.
I cross my arms."Just who do you think you are para nakawin ang mga damit namin?"
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.