Lez
Nandito kami sa loob ng airport and we are making our way out. Ang dami kasing tao plus ang dami naming dalang bags. Well, ang dami naming na-shopping. At naubos kaagad ang laman ng card ko and nawala pa. Guess I have to get new one.
Biglang may nakabangga sakin sa balikat ko na agad na ikinagalit ko.
"Hey!" sabi ko dun sa babae.
Nilingon niya ako pero this time, tinarayan ko siya. Hindi kasi tinitingnan yung dinadaanan niya. Aalis na sana ako nang hawakan niya yung braso ko. Nilingon ko ulit siya.
"Miss, is there a problem?" tanong ko sa kanya.
"Marie..."
Anong pinagsasabi ng babaeng to'? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Infairness, pormal na pormal itsura niya.
"Miss, ang ganda mo sana kaso parang takas ka sa mental. Sinong marie ang hinahanap mo? Lezlhiana Montes is my name. If you dont mind, nagmamadali kami ng kaibigan ko." saka ko tinabig yung braso ko at naglakad na kami ni Mien paalis sa harap niya. Baliw na ata si Ate.
•
Tumigil na yung taxi sa harap ng hospital at bumaba na kami. Siyempre, bibisitahin muna namin si Emi. True friends yan eh. Pagkabukas ng elevator, naglakad na kaagad kami papunta sa room niya at nadatnan namin siyang nanonood ng TV. Nagulat siya nung nakita niya kami. Agad namang lumapit si Emi sa kanya at niyakap siya.
"Hi, Mien. Grabe namiss ko kayo!" Emi.
"Namiss ka din namin!!" Mien.
"Ikaw lang." sabi ko at umupo sa couch.
"Oo nga pala. Bakit napaaga yung uwi ni Kei?" Emi.
Tumingin si Mien sakin as a sign kung ikukwento ba niya.
"Go on." sabi ko at pinikit ko yung mata ko.
Pag ako nagkwento ng ganyang bagay, nadadaan ko lang naman sa galit. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako kay Keii. Aargh! Bakit di niya lang tanggapin na nakalimutan na siya ni Lucas? Ano bayan! Dumadagdag pa siya sa problema.
Nagsimula ng magkwento si Mien.
"Emi, naalala mo pa si Lucas?" tanong ni Mien. Biglang kumunot yung noo ni Emi.
"What's with him?"
Huminga muna ng malalim si Mien. Ang tagal naman nito magkwento.
"Emi, nagtagpo landas nilang dalawa. And, the promise that she will forget about Lucas is useless. Gustong-gusto ni Kei na makuha si Lucas. Pero, Lucas cannot come back to Kei dahil may memory loss siya at hindi maalala si Kei. Lucas is getting married to Cathy. Kei was forcing herself to Lucas so, pinauwi siya ni Lez ng maaga. We just want to avoid her from being a pathetic one. We decided that we must find someone who will entertain her para makalimutan niya si Lucas. May kilala ka bang medyo close niya?" Mien.
"Malay ko. Sa ngayon kasi, nasa Laguna siya and for sure, may mahahanap siya dun."
Napatingin kami sa pintuan at nakita naming nakasubsob si RJ sa sahig. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya.
"Are you peeking on us?" tanong ko sa kanya.
Tumayo siya at pinagpag yung sarili niya. "Hoy, Ms. Assuming! Hindi ko kayo binobosohan. Kararating ko lang at tinulak ako ng dalawang gago!" sigaw niya sakin.
Tinarayan ko nalang siya at bumalik sa couch. Pumasok na si Rj kasama yung dalawa niyang kaibigan, Ian at Ace.
"Rj, nasan si Vinz?" tanong ni Emi. O_O! The heck! Did she just talk in that voice to the Bad Boys?
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.