✓ CHAPTER 6: Tadhana

7.3K 279 13
                                    

Ian

2 weeks passed after the incident with that bitch named Kei.

Christian Largado at your screen. Ang poging leader ng Bad boys. Ako ang mataas. Ako ang tinitingala ng lahat. Ako ang pinakamasama saming apat. Madaming tao ang natatakot sakin pero isang grupo lang ang hindi at yun yung nakatapat samin. Mean Girls

We fall to their traps. We didn't know that they hide their identity just to know our weakness. Pero eto na sila ngayon, nagwagi na. Naging malaking kahihiyan kami sa paningin ng lahat pero hindi pa rin kami susuko. Kung sila ang nagsimula, pwes kami ang tatapos. Tangina, Nanggigigil ulit ako.

Tatlo pa lang yung nakakabangga namin pero nasaan yung isa. Di ko pa nga siya nakikilala.

"Par, tunganga ka nanaman."

Nagulat ako bigla kay Ace.

"Naaalala mo nanaman yung nangyari sa starbucks. Ang Tanga mo kasi di mo muna inaalam yung uutusan mo."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tanga! Ikaw yung tanga at bobo. Kita mong tinago nila yung profile nila. BOBO!" sigaw ko sa kanya at saka lumabas ng van. Ngayon na kasi kami lilipat sa dorm namin. May kahati pa kaming apat. Gagawin kong mga alila yung mga yon.

Nandito pa kaming apat sa may hallway. Actually, nandito na kami sa ilalim ng school. Andami palang dorm dito. Lahat daw ng mga nasa loob ng dorm ay mga studyante daw dito sa Sta. Eliniora.

Napatigil na kami sa isang pintuan. Ito na ata yung Dorm namin. Binasa ko yung Room Number.

Room U-143.

Sabi ni Tita Charssey (owner of the school), nandito na pala sa loob yung apat simula last week.

"Okay, boys! Ito na pala yung susi sa kwartong to. Lahat na ng pangangailangan niyo, nandyan na sa loob. Pwede naman kayo tumawag ng janitor kung may ipapalinis kayo. Plus, magpakabait kayo dun sa apat na makakasama niyong babae dahil mababait sila. Okay? Sige na, madami pakong aasikasuhin."

Nagpaalam na samin si Tita Charssey at umalis na papunta sa office niya.

Binuksan ko na yung pinto gamit yung susi. Tag-isa kaming apat ng susi. Pero dahil sa ako ang leader, ako na ang nagbukas. Pagbukas ng pinto, patay ang ilaw at halos wala kaming makita. Malamang!

Pinindot ni RJ yung switch at nagilaw sa loob ng kwarto.

Malaki yung loob. May part na kitchen, living room and spaces for the beds. Malalaki ang agwat ng higaan given that we're sharing with a girls. This is the first time I've heard na pwede pala magshare sa isang dorm ang girls and boys. Well, hindi naman kami kasama para gawan sila ng masama.

Wala namang tao pero may umaagos na tubig sa banyo at may nakatalukbong sa isang higaan.

Pumunta na kami dun sa dalawang double-deck bed. Kasama ko sa isang double-deck bed si Rj. Ako sa ilalim, siya sa taas. Ayoko sa taas. Mahirap na baka pumanget pa yung mukha kapag bumagsak ako.

Nilapag ko na yung mga gamit ko sa side table. Tsssk! Katapat ko lang naman ay ang nakatalukbong na ewan ko kung natutulog.

Biglang may lumabas na babaeng nakabathrobe na pink at kinuskos ang buhok niya gamit ang tuwalya niya. Shit! Ang hot niya. Tiningnan ko yung tatlo. Tsss! Ang lilibog na ng mata nila.

Mukhang hindi kami napansin ng babae. Dumiretso siya sa tapat ng walkin closet pero di siya pumasok. Kumatok lang siya.

So may tao sa loob? Edi tatlo palang yung nadadatnan namin. She knocked.

"Emi, Tapos ka na ba? Bilisan mo."

Wait, that voice is so familiar.

Biglang may pumasok na babae. Nakajogging outfit siya at Nakaponytail yung buhok niya. She's cute. Ngayon ko nga lang siya nakita. Di rin niya kami napansin. Dumiretso lang siya sa refrigerator. Seriously, hindi ba nila napapansin na ang gwapo ng magiging kadormmate nila.

Bigla naman bumukas ang walkin closet na kinakatok kanina ng babae.

Noemi Leen?

"Oh, Kei. Mukhang may bisita ka atang apat ... Na ... Lalake?" she paused at kitang-kita ko na nanlaki ang mata niya. "Oh.. my.. god!"

Tapos humarap samin yung babaeng nakabathrobe.

Great. Umaakyat ulit ang dugo ko nang makita ko ulit ang mukha niya.

It's the bicth!!

Silence attacks and a few seconds later ....

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Sa sobrang lakas ng tili nila, biglang bumangon yung nakatalukbong kanina. Tuluyan ng umakyat yung dugo ko. Tangina, ang sarap nilang patayin.

Isa lang ang masasabi ko.

The Mean Girls....

... They are our dormmates!!

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon