Mien
Kagagaling ko lang ng guidance office at nakuha ko na yung schedule ko. Geez! May nightclass ako.
Kararating lang nila Rj at Kei kanina pero umalis sila agad para asikasuhin yung mga schedules nila. Bukas na kasi yung start ng class. Pero infairness! Good terms sila hah. Sila Noemi at Vinz naman ay nagiimpake palang. Maya-maya na rin ay uuwi sila. Gosh! Mapupuno ng gamot ang dorm nato. Sila Lez naman at Ian ay ewan ko. Di ko naman alam kung nasaan sila. Siguro magkasama pero imposible naman ata.
Kasalukuyan akong nainom ng juice at .. dalawa lang kami ni Ace dito sa kwartong to'. Opss! Bawal malisya. Imbis nga na nadedepress siya dahil sa nangyari sa kanya, nadadatnan kong laging nakangiti. Ipa-checkup ko na kaya to'.
I was about to sip my juice nang may biglang tumawag sakin. Sinagot ko naman kahit unregistered number.
"Hello." then I took a sip from my juice.
"Hello, dear."
Agad kong binuga yung iniinom kong juice nang marinig ko yung boses na yun. Eww! I'm so disgusting in this part.
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Ace. Nagnod na lang ako. His phone rang at nagexcuse siya para lumabas.
Now, back to the caller.
"Hello .. DAD!" sarcastic kong sabi. Argh!
"Mixhenne, kakarating ko lang galing airport and by the next week, ipapakilala ko na sayo yung lalaking inarrange namin sayo." then he ended the call.
Argh!! I hate this!!
"Oh? Init ng ulo mo?" tanong agad ni Ace pagkapasok na pagkapasok niya.
"Uggh! As I turned 16, inarrange na nila ako agad sa lalaking di ko naman kilala. Sino kayang hindi magagalit dun?" nanggigil kong sabi.
"Whoa, easy!" awat sakin ni Ace.
"Kung sayo kaya mangyari to', anong gagawin mo? Huh?" nanggigil ko pa ring sabi. Uggh!
"Obviously, nangyayari na nga eh."
Nanlaki mata ko. "WHAT?! INARRANGE KA RIN NILA? KANINO?"
Napahawak siya sa noo niya. "Yeah. Wala nga silang pakelam dun sa nangyari kay Carina. Di ko pa nakikita yung girl eh."
Napataray ako. "Wow! How rude ha. Ano naman ang reaction mo?"
"Nothing. If it's for company, okay lang. Ikaw? Anong gagawin mo kapag nakilala mo yung boy na nakaarrange sayo?" tanong niya at saka siya humiga sa higaan niya.
I roll my eyes again. "Kita mo yung kutsilyong yun? Isasaksak ko sa kanya yun!"
"Whoa! Wala naman siyang ginawa sayo. Bakit mo siya sasaksakin?"
"I hate boys kaya!" sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko. Aiish! Pumasok ako sa walk-in closet para magpalit ng t-shirt.
"Bakit mo naman hate ang boys?" narinig kong tanong ni Ace.
"None of your business." sabi ko.
Aiish! Ayoko ng mauwi tong' usapan nato sa pagbunyag ko ng sikreto ko. Argh! Hindi nga alam ni Lez to' eh. I just broke our first rule.
"Oooh! Mukhang may maibubunyag ako sa dorm nato. About dun sa pagtulog mo sa sala." sabi niya at narinig ko siyang tumawa. Arrgh!
Mababaw na kung mababaw pero ayoko yung makalat sa lahat yung pagtulog ko sa sala. Bakit? Duh, ikaw ba naman. Tinatrato kang prinsesa tas biglang mapipilitan kang matulog sa sala. God! Lumabas nako ng closet at umakyat sa higaan ko. Remember, double deck to at sa taas ako nakahiga.
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.