Mien
Okay, sino kasama ko? Si Ace. Bakit kami nandito? Well, ayaw niyang bumalik sa dorm nang mugtong-mugto yung mata niya. Di ko naman siya pwedeng iwanan. He needs me nga diba?
Biglang tumunog yung cellphone ko. Nung tiningnan ko yung caller ID, si Lez lang pala. Ano na kayang nangyare dun? Kung tutuusin, siya lang yung nagiisang babae dun.
I answered the call.
"Hello."
"Mien, nasaan ka? Alam mo ba kung anong oras na?"
"Actually, i'm here in a hotel. Huwag mo nga akong tanungan ng kung anong oras na. Anong akala mo sakin, TANGA??! Mas kumpleto pa nga yung gamit dito kaysa sa dorm natin!"
"Arrgh! Basta. Sino naman kasama mo dyan? Im sure di ka pumupunta ng hotel nang walang kasama."
Kahit kailan talaga ang talino niya.
"Errr... I'm with Ace."
"WHAT? Bakit kayo magkasama? Iwanan mo nga siya diyan at umuwi ka na dito."
"Hoy! Wag mo kong mautos-utusan. Brokenhearted yung tao kaya dinadamayan ko. Minsan na nga lang maging anghel eh. Ano naman kung dala ko yung titulo ng MEAN. Wala na ba akong pagasang bumait? Atska pwede ba, ikaw na nga mismong nagsabi na may kalahati tayong puso."
"Oo. Naalala ko yun but THEY'RE THE BAD---"
"Eh ano naman? Tao din naman sila. Ikaw, tao ka ba?"
"Umayos ka."
"Wala ka bang kasama dyan at bakit gustong-gusto mo na akong umuwi dyan?"
"Good timing yang tanong mo. Well, dalawa na lang kami dito dahil yang RJ na yan, nagimpake ng gamit niya at ni-rescue yung punyetang fiance niya sa Laguna. At sino yung naiwan? Si Ian. Nyemaaas! Face to face na ba 'to?"
"Hoy, pride mo. Nalipad pababa ng impyerno."
"Wala akong oras sa kalokohan mo!! UMUWI KA NA DITO!!"
"Sorry! Bagay kasi kayo eh." then I ended the call. Two days kaming magiistay dito.
After two days, kasama naming bumalik si Emi. Ohdiba? Pare-pareho kaming nasabugan ng init ng ulo ni Lez. Si Kei, ewan ko nalang kung kailan uuwi yon basta ako, icocomfort ko yung gago!
Ako na ba to'? Ambait ko naman ata.
Napatayo ako mula sa higaan. Ang tagal naman ata' nun sa banyo. Lumapit ako sa banyo at tinapat ko yung tenga ko kung sakaling naliligo nga 'to. May dumadaloy na tubig mula sa gripo pero bakit walang nagbubuhos?
Hinawakan ko yung door knob at laking gulat ko na, hindi nakalock. O_O! Lalaki ba to'? Unti-unti kong binubuksan yung pinto.
HOYY! Hindi ako namboboso. Nacu-curious lang ako.
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Novela JuvenilTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.