Lez
Nandito kami sa hospital at nagaantay kaming tatlo sa Emergency room. Actually, umiiyak kami dahil nagaalala kami sa kanila. Nadatnan namin sila sa Parking lot nang nakahandusay sa sahig. Nakita namin si Mien nang nakasandal sa pader at wala na siyang malay. Nang tingnan namin yung mukha niya, nagulat kami dahil namumula yung pisngi niya at sa dulo ng kamay niya ay hawak niya yung phone niya.
Mas lalo kaming nagulat dahil yung tatlo maliban kay Ian ay konti lang ang pasa pero yung ilong at labi nila, putok at walang tigil ang pagdudugo. Pero, ito ang mas lalo naming ikinagulat. Si Ian, ligong-ligo talaga siya sa dugo. Puro pasa yung mukha niya kahit yung braso niyang may pilay, nagkapasa na rin. Pagkakita ko palang sa kalagayan niya, napaluha na ako. First time ko lang makakita ng ganitong tao and nakakaawa siya.
Lumabas na yung doctor at may hawak siyang folder. Agad kaming napatayo at nilapitan namin siya.
"Doc, kamusta po silang lima?" sabi ni Emi habang pinupunasan yung mga luha niya sa mata.
"About Ms. Alviaro's condition, I think nasampal po siya and may damage po yung ulo niya so, siguro nabagok po yung ulo niya. And for Mr. Davia, Trevada and Buenaventura, wala namang gaanong sugat. I think pinagsususuntok sila sa mukha lang. And for, Mr. Largado ..." he paused.
"Madami po siyang damage sa katawan niya. He has a broken leg and a broken arm. May mga natuklap na balat sa mukha niya. And .. nasaksak po siya. He is now in a comatose. Yung machine na lang ang nagpapabuhay sa kanya. Aantayin natin siyang gumising. Kapag hindi siya gumising at nagstop yung machine. I'm sorry girls. Magantay po kayo ng sandali at itatransfer na po namin sila sa kani-kanilang kwarto." then the doctor walk away.
I look at them. Minsan niyo nalang ako makikitang nakaganito pero, niyakap ko sila at dun ako humagulgol.
Minsan na nga lang kami magbati tapos papatayin pa nila si Ian. Kapag nakilala ko yang mga nagbugbog sa kanila, maghanda na siya ng mukhang ipampapalit sa kanya dahil babalatan ko yang mukha niya.
"Excuse me, miss?"
Pagtingin ko, isang pulis ang nakatayo sa harapan namin. Umayos ako at kumalas sa kanilang dalawa.
"Bakit?" -Ako.
"Kami ang naka-assign sa case ng mga kaibigan niyo." sabi niya at nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko naman yon.
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" -Emi.
"Nakuha na po namin ang kopya ng cctv dun sa parking lot ng school niyo. Gusto niyo na po bang makita?"
"Uhh, can we schedule it tomorrow? Bibisitahin muna namin yung mga kaibigan namin." tanong ko. Uunahin ko muna silang bisitahin bago yang cctv na yan.
"Sige po." then umalis na sila.
•
After ng kalahating oras na paghihintay namin, nailipat na sila sa kanilang kwarto. Magkasama si Mien at Ace sa isang kwarto. Magkasama naman sila Rj at Vinz at .. solo naman ni Ian yung isang kwarto. Una kong pinasukan yung kwarto ni Ian at pinasukan naman ng dalawa yung kwarto ni Rj at Vinz.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Ian, halos mapaiyak ako sa nakita ko. Madaming nakakabit sa kanya. Nakasabit yung paa niyang may pilay at .. doble na yung benda sa braso niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
Bwisit ka, Ian. Alam kong may pilay ka sa left arm pero sana manlang lumaban ka. May laban ka pa next week. Hindi ka pwedeng matalo kay Adrian dahil pagkatapos ng match na yun, pagmamayari na niya ako. AYOKO YUN MANGYARI!! I'll rather die than to be with that jerk. Kaya please, Ian. Gumising ka na.
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Dla nastolatkówTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.