Kei
Nandito ako ngayon nagaantay sa starbucks. Tsss! Ewan ko ba dun sa secretary ni daddy. Sabi niya may naghahanap daw sakin at ang malupit pa doon, pumunta daw ako sa starbucks at ang the best pa don, apat na lalake. Tsk! Kung magliligaw sila sakin, busted agad ang abot.
After ng punyetang mahabang oras, makaalis na nga. Tumayo nako pero biglang may nagsalita sa likod ko.
"Whoa, Miss. Sorrry kung pinaghintay ka namin ng matagal. Ang tagal kasi kumilos ni RJ."
Pagkatalikod ko, I couldn't believe it. Di ako nagkakamali. They are the Bad Boys. Whoa. Nakilala ko rin sila sa personal. I should act that I dont know them para malaman ko kung ano pakay nila sakin.
"Tsssk! Anu ba kasi kelangan natin sa panget na yan?"
If I'm not wrong, his name is Rhenz James Trevada. Ang pinakatarantado sa kanilang apat.
Pero wait lang, may sinabe siya eh. Ako? Panget? Loko to ha! Akala mo kung sino may ikinagwapo. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung panget ako, kamusta ka naman? At kung may ikinagwapo ka naman, isa lang masasabi ko. You're cheap at hindi kayo ganun kamahal bilhin."
"Pareho lang naman yung sinabi mo." sabat nung Travinz ata ang pangalan. He even eyed me from top to toe. Ito yung kinukwento sakin ni Noemi na dating crush niya. Yep, dating crush ni Noemi. Yun lang ang sinabi niya tapos di na niya sakin kinuwento lahat.
Tiningnan ko yung Travinz na yun. "Much better. Nang sa ganun, madali niyong maintindihan lahat ng sinasabe ko. Hindi ko kasi alam kung gaano kayo kabobo." sabi ko sa kanila siyempre with mean voice.
"Hoy! Umayos ka ng pananalita kung gusto mo pan--" at hindi ko na sila pinatapos.
"Ano ba talaga ang pinunta ko dito? Ang makipagtalakan sa mga katulad niyo. Uggh! You've wasted my time. Kung wala kayong kailangan sakin, it would be better na aalis nalang ako and besides ang pangit niyo pa sa paningin ko." sabi ko sa kanila at tatalikod na sana ako nang may nagsalita.
"Wait! There is something we need to discuss."
Pagkatalikod ko, yung leader pala nila ang nagsalita at may paawa effect pa yung face. Okay, pagbigyan natin.
"Okay." yun lang yung sinabe ko at umupo nako. Nakatayo pa rin sila sa harapan ko.
"Ano pang tinatanga-tanga niyo diyan?" taas-kilay kong tanong sa kanila at sabay-sabay naman silang umupo sa harapan ko. Bale nakapalibot sila sakin. Bilog kasi yung lamesa namin.
"Oh Ano? Magtititigan nalang ba tayo?"
Nakakabobo naman tong mga nasa harapan ko.
RJ
"Oh Ano? Magtititigan nalang ba tayo?" taray na tanong nanaman niya.
Tss. Bilib din ako sa babaeng to.' Ang lakas umasta. Di manlang natakot samin. Kaya pala gustong kunin ni Ian panlaban sa Mean Girls. Ang galing makipagsagutan. Maldita ang dating.
May inabot si Ian na brown envelope. Nandun yung picture ni Lezlhiana at Noemi. Si Lezlhiana na pinahiya si Ian sa harap ng madaming tao at si Noemi na sinira ang relasyon nila Ace at Carina. Tsssk! Namumuro na sila ha.
Binuksan niya yung envelope. Nung nakita niya yun, ngumiti pa siya. Nakangiti siyang tumingin samin.
"So, anong gagawin ko dun sa dalawang pictures na yun.?" sabi niya sabay lapag ng envelope sa table.
"Gusto ko alamin mo lahat ng impormasyon tungkol sa dalawang yan at alamin mo din yung dalawa pa nilang kaibigan. They are the Mean Girls and they have hidden their identity so well. I'll pay anything basta may maibigay ka lang." pagpapaliwanag ni Ian.
Nagpipigil lang siya ng tawa. We are serious about this tapos tatawanan lang niya.
"Bad Boys ba talaga kayo at nanghihingi kayo ng tulong sakin? Nakakahiya kayo grabe! Tinitingala kayo ng lahat bilang isang matapang na grupo tapos magpapatulong kayo sa isang babaeng katulad ko. Your group is so funny." tapos tumawa na siya. Tiningnan ko si Ian at ayun nakakunot na yung noo niya.
"I'll give you anything you want just do the task i'm giving you. Just know everything ab--"
This time tumayo na yung babae at dinabog pa yung lamesa. Shit, nakakatakot yung tingin niya at para na siyang mangangain.
"MR. CHRISTIAN LARGADO. WHAT DO YOU THINK OF ME? A POOR GIRL? DON'T YOU THINK THAT I CAN BUY 50 T-SHIRT EACH OF YOU JUST USING MY OWN ALLOWANCE? I NEVER THOUGHT THAT THE LEADER OF THE BAD BOYS WILL JUST BRIBE SOMEONE JUST TO KNOW ALL THE INFORMATION ABOUT MY 'TWO FRIENDS'. SHAME ON YOURSELF."
Nagulat at nanlaki ang mata ko. Wait, paki-ulit. Two Friends? Ibig sabihin..
"Two friends? What do you mean by that?" nagtatakang tanong ni Vinz.
Mas lalo niyang nilapit yung mukha niya samin at ginamit niyang pangtungkod yung dalawa niyang braso para alalayan siya.
"You fools have just bribe one of the Mean Girls."
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.