Kei
"HAHAHAHAHA! Yung mukha ni Ian kanina sa zipline. Ganun ka ba talaga katakot sa mga heights?" pangaasar ni Lez.
Pfft! Kung alam niyo lang kung gaano manginig-nginig si Ian sa takot plus nagsisisigaw pa siya. Hahaha!
Sinimangutan nalang kami ni Ian at saka tumingin sa iba. Pfft! Kinalabit ni Emi si Ian. Napalingon naman si Ian.
"GAAAAY!!"
"WHY YOU!!"
Napatakbo kaming tatlo habang sila inawat nalang nila si Ian. Hahaha! Grabe, ang gwapong lalake plus matangkad tapos takot sa heights. Grabe, I cant believe this! Hahahahaha!
Naglakad ulit kami papalapit sa kanila.
"Girls, cr lang kami." Rj.
"Ohwait! Dont tell me, sa sobrang takot, naiihi ka na!" pangaasar ko.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!" kaming tatlo.
"Kei, tama na! Hindi si Ian ang iihi, kaming dalawa." Rj said and nauna ng naglakad.
Tumigil nalang kami at saka sumunod sa kanila. Pagdating namin sa cr ng boys, hinawakan na ni Rj yung doorknob pero hindi mabuksan.
"Siguro nilock ng janitor." sabi ko.
"Oo nga. Balik nalang tayo sa bahay ni Lez since malapit nalang din naman." Emi said.
Nagagree nalang kami at saka naglakad paalis ng cr ng boys.
"HINDI PWEDEEE!!"
Tekaaa! Bigla kaming nakarinig ng basag ng salamin.
"Si Ace yun!!"
Tumakbo ako papalapit sa pinto at saka pinaghahampas ng kamay ko.
"ACE, WHAT'S HAPPENING THERE?" ako.
"BRO, BUKSAN MO TO!" Ian.
Sinubukan naming buksan yung pinto pero nakalock talaga siya. Kinakabahan ako kung ano na ba talagang nangyayare sa loob.
"Why can't this fucking door open?" I said.
"Maghahanap nalang kami ng janitor if ever na may susi sila." Emi suggested at saka siya umalis kasama si Vinz. Langgam alert!
"I'M A MURDERER!!"
Ano daw?
"Tabi!" Ian said at saka niya sinipa yung pinto nang pagkalakas lakas.
Dali-dali kaming pumasok sa loob at napatakip yung kamay ko sa nakita ko.
"AAAAAH!" Lez said and cover her eyes.
"Bro, anong kabaliwan nanaman ang ginawa mo?" Ian.
•
Kasalukuyan naming pinapagamot yung kamay niya sa clinic kung saan nagpapahinga si Mien. Nandito na rin pala sila Emi at Vinz.
"Bro, anong pumasok sa isip mo at binasag mo yung salamin sa cr?" Ian.
Hindi pa rin nagsasalita si Ace. Kanina pa siya inuulanan ni Ian ng mga tanong kaso ni isa wala siyang nasagot. We're trying to figure out what's gotten into him. Nakakasakit naman ng ulo.
"Ugh, maybe its better na kayo nalang ang maguusap usap. Pupuntahan nalang namin si Mien." I said and sumunod naman sakin yung dalawa.
Pinuntahan namin sa kabila si Mien. Apat na higaan lang naman ang pagitan nila ni Ace. Nilapitan namin si Mien and we saw na nakatunganga siya na parang may iniisip.
"Mien.." Emi.
"Hm, bakit?" Mien.
"I'm sure naman na alam mo yung nangyare kay Ace." Emi.
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.