✓ CHAPTER 2: Strike two

12.4K 316 8
                                    

Mien

Napamulat ako sa tirik ng araw sa may bintana. Sino ba namang hindi titirik? Higaan ko nakatapat sa bintana. Bumangon ako at nagunat saglit. Inikot ng mata ko yung paligid. Nakauwi na pala si Lez. Anong oras kaya nakauwi to.'? Tiningnan ko yung wall clock. 7:28am. Maaga pa. Makapagluto nga muna ng almusal.

Pumunta ako sa kusina at nagsimula ng magprito ng bacon at eggs. Nagfried rice na rin ako. Pagkatapos ko magluto, kumain nako.

Hmm. Ang bored naman. Ano pa bang pwedeng gawin?

Shopping nalang kaya ako. Mamaya kasi uuwi na kami pabalik sa maynila. Dapat one week kami dito. Nakakathree days pa lang kami, pinapauwi na kami ng parents namin. Ewan ko nga kung bakit.

Naligo nako at nagbihis. Nagsuot nalang ako ng yellow long sleeve, light blue jeans at heels na pink. Nagdala din ako ng bag. Wala lang trip ko lang.

I walked outside habang dala-dala yung susi ng kotse ni Emi. Dumiretso kaagad ako sa mall na malapit at napatigil ako sa Forever21 store. Hmm! Maganda ba ang mga damit dito? Ohwell, titingnan ko nalang. Pumasok ako sa loob at nagikot. Napatigil ako sa peach na hanging dress. Ang ganda ng design niya. Kumikinang pa yung dulo pati mata ko nadamay. Kumikinang na rin. Kinuha ko yung dress at pumunta sa cashier.

"Maam, 957.25!" sabi ng cashier. Isa pa lang nabibili ko ha! Inabot ko yung card ko. Binalik na nung cashier yung card ko at yung binili kong dress. Dumiresto na rin ako palabas at nagikot ikot pa sa ibang store. I bought random type of clothes: dress, sando and t-shirts. I even bought bags and shoes. As usual, lumalagpas ng sampung libo ang nagagastos ko. Maya't maya ay nakaramdam ako ng pagiingay ng tiyan ko. Ugh, Im hungry! Makahanp nga ng makakain.

Nagikot ikot ako and yung iba ay dinaanan ko lang. Two reasons lang naman. It is either hindi maganda ang nasa menu or pangit ang ambiance ng restaurant. Finally, nakahanap rin. Seafood Restaurant. Pumasok ako sa loob at almost all seats ay occupied na. Sayang naman ang ambiance at ganda ng menu kung di pa ako kakakain dito. Makakahanap kaya ako ng mauupuan. Bahala na nga.

Inikot ko yung mata ko and Viola! May nahanap akong pwesto. Nagmadali akong pumunta dun sa pwesto. Pagkaupo ko, may kasabay din akong umupo. Katapat ko siya. Nagkatitigan kami.

"Miss, Nauna ako dito!" sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me! Ladies should be first to sit here." sabi ko sa kanya.

"So? Wala ak--"

"Kuya, kesa dada ka ng dada dyan. Bakit hindi nalang tayo magshare? Ang arte mo. Kung ayaw mo ng may kashare, ikaw ang umalis. Hindi ako aalis sa pwesto nato." pagmamaldita ko sa kanya. Natigilan naman siya sa sinabe ko. Nagkatitigan ulit kami saglit. "FINE!" give-up na sabi niya. I smiled. No one really wins against me. Kung hindi niya talaga kaya na kasama ako sa isang table, pwes manigas siya.

Lumapit samin yung waiter at inabot yung menu samin. Kinuha ko naman yung isa at tumingin ako ng pwedeng kainin.

"Spicy Shrimp Soup and Pineapple Juice"

"Spicy Shrimp Soup and Pineapple Juice"

Nagtitigan ulit kami. Bwiseeet! Nagaway na nga kami dahil sa pwesto tapos pareho pa kami ng order. Tadhana ba to? Para sakin kaimpyernuhan to.

Mien, Konsensya muna!

"Right Away!" sabi nung waiter at saka umalis. Nagkatitigan ulit kami.

*(There's only 1 thing 2 do ---)*

Agad kong sinagot yung tawag ni Emi. Yun kasi yung ringtone. Ewan ko ba dun kung bakit favorite niya yun!

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon