✓ CHAPTER 3: Strike three

11.5K 295 14
                                    

Emi

Pagkadating namin sa Manila, pinaayos ko kaagad yung gamit ko sa katulong namin. Bwisit! Nasira araw ko doon noong nakita ko yung lalaking yon. Yung lalaking naging dahilan kung bakit di ko makalimutan yung nakaraan ko. Yung lalaking naging dahilan kung bakit nagsimula ako maging badgirl at Yung lalaking naging dahilan kung bakit nagsimula akong magbago. At dahil sa mga nangyari samin sa nakaraan, ayoko ng makita pa muli ang pagmumukha niya. Nagiging demonyo kasi ako kapag nakikita ko yung mukha niyang nakakainis. Ugh!

I heard my phone rang at sinagot ko kaagad yon.

"HELLO?"

"Aray! Sakit sa tenga."

"Oh, I'm sorry, Mr. Audije. I'm not in a mood."

Siya si Mr. Danryl Audije. He's my manager. Well, sabihin na natin na 'boss' ko siya pero minsan ko lang yan galangin. He manages all of my incoming endorsing projects and activities. He knows me well at alam niya kung ano yung gusto kong i-model or i-endorse at kung ano rin ang ayaw ko. Siya lang din naman ang nakakaalam na i'm one of the Mean Girls kaya kung ituring namin ang isa't isa, daig pa yung magbestfriend na dekadang taon na magkakilala.

"Okay! Punta kana dito. Ngayon ang schedule ng photoshoot."

"Okay! I'll be there in 30 minutes. Magbibihis lang ako."

"Wait! May partner ka palang lalake."

"Oh! Sino naman? Siguraduhin mong pogi yan ha."

"Hilig mo sa pogi pero pag niligawan ka naman. Busted agad."

"Baka gusto mo di na ako pumunta?"

"Ito naman. Nagbibiro lang. His name is Jaizze Buenaventura and I'm sure na kilala mo na agad siya."

JAIZZE BUENAVENTURA. As in siya na isa sa mga BADBOYS. Woaaah! Is this for real? Makikilala ko sa personal ang isa sa mga Bad boys. God! Tingnan lang natin kung anong feeling ng napapahiya.

"Talaga?! Sige, Antayin mo ko. Bye!" inend-call ko na yung tawag.

Nagsimula nakong mag-ayos with evil smile. Dapat pormang porma ako mamaya. Nagsuot ako ng plain blue na long-sleeve, pants at heels. Nagsuot din ako ng mga bracelet na binigay sakin ni Mudra. Nagdala ako ng shoulder na nilalaman ng make-up etc. Hayaan niyo minsan nalang rumampa.

Bumaba nako at dumiretso sa blue kong chevy. Well, this is my own car. Binili sakin ni mudra. Pumasok ako sa loob at nagsimulang umandar.

Tutal malayo pa yung biyahe, magkukwento muna ako sa inyo tungkol sa MEAN GIRLS and the BAD BOYS.

Kilala yung grupo namin sa Manila pero di pala namin namalayan na may kapantay na kami at lalaki pa ha. We know their background, names and also their faces pero wala silang kaalam-alam ni isa tungkol samin. Kilala nga kami pero ang alam lang nila samin is yung nicknames namin. Nagulat nga ako kasi dun sa restaurant na pinagkainan ni Mien, nakasabay niya si Travinz. Makakalimutin nga talaga si Mien. Pero okay na yon. Wag lang iba. Buti nga dumating ako, lakas ng galit ko dun sa hayop na yon. Bagay lang sa kanya yung sinabe ko kanina sa kabila ng ginawa niya.

Nakatago lahat ng identity namin pati na rin ung school na pinapasukan namin but we still use our permanent name yung nga lang hindi nila alam na kami ang MEAN GIRLS. Pinlano namin to 4 years ago. When we turn highschool, nakatago na lahat para makilala namin sila at para maka-advance kami. Lez always made us remember na may araw talaga na ma-eencounter din namin sila.

Nakarating na pa ako sa destinasyon ko. Pinark ko na yung kotse ko at dumiretso paakyat sa office ni Mr. Audije.

Pagpasok ko sa office niya, wala naman siya. Pero may nakita akong kakila-kilabot. Nandun siya nakaupo sa couch habang nagbabasa ng magazine.

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon