✓ CHAPTER 38: Regrets

4K 181 2
                                    

Kei

"Sorry miss. Hindi kita kilala."

Kinuha niya yung yakult and umalis. Me, I was dumbfounded. H-hindi niya ako kilala?

"..pag nagising siya, it's either okay siya or may memory loss siya."

H-hindi kaya .. may memory loss siya? Halos manlumo ako sa iniisip ko. Hindi pwede yun. P-paano nako? P-paano na yung arrange marriage namin?

"Gago ka ba? Pinili mo si Lucas tapos magaalala ka sa marriage niyo?!"

Alam kong pinili ko si Lucas kasi mahal ko pa siya. Namiss ko yung memories namin and it made me realized na hindi pa nalulusaw ang pagmamahal ko sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Nagaalala ako kay Rj. Paano nalang kapag tuluyan niya na talaga akong nakalimutan? Hindi pwede yun!

Pagdating ko sa dorm, agad kong nilapitan si Lez.

"Why didn't you tell me na nagkamemory loss pala si Rj? Hindi mo manlang ba ako naisip? Kung ano mararamdaman ko? Paano nalang yung arranged marriage namin? Paano nalang k--"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nasampal niya ako.

"LEZ!"

"FUCK!"

"And how can you say those things if you already chose Lucas over Rj? Gago ka ba?! Pinili-pili mo si Lucas which is YOUR PAST tapos magiinarte ka na nagkamemory loss si Rj. Karma mo na yun! Tinanggap namin yung nangyari sa kanya kasi kung bumalik talaga yung memory niya, sa tingin mo, anong mararamdaman niya kapag paggising niya tapos nalaman niya na lumalandi ang fiance niya?!"

Nasampal ko siya.

"WALA KANG KARAPATAN SABIHAN AKO NIYAN!"

Pero magkabilaan niya ako nasampal. This time, hindi nako makapaniwala. I look at Lez and she's full of anger. Ang kilala kong Lez ay yung isang sampal lang ang ginagawa niya pero .. she did three times.

"I have many proof kung bakit pinili mo si Lucas and I have many proof kung bakit ganun-ganun mo na lang binalewala si Rj. Nandun ako Kei. All this time, pinapanood kita. Kung ano ang mga ginagawa mo sa harap ni Rj and kung ano ang nararamdaman mo. All of them were the same! Because of those stupid memories, pinili mo si Lucas. Because of those stupid memories, iniwan mo basta-basta si Rj and because of those memories, naging tanga ka! Iniisip mo na mahalaga ang memories niyo. Anong pakelam ng memories na yan sa meron ka ngayon? Memories are past, Kei. Parte yun ng buhay mo! MEMORIES NIYO YUN NI LUCAS! Memories lang ang meron si Lucas kaya pinili mo siya. Si Rj? Ano meron siya para magvolunteer na maging fiance mo siya? Anong meron siya para ipaospital mo ang former fiance niya? Anong nararamdaman mo para sobrang magalala sa kanya nung malaman mong nagkabrain cancer siya? Anong naramdaman mo nung nalaman mong hindi pa siya totally okay kasi natatakot ka na magkamemory loss siya which is na ayaw mo ng maranasan na MAKAKAENCOUNTER KA NANAMAN NG TAONG MAHAL MO NA MAY MEMORY LOSS?! Tapos nang dahil lang sa memories, pipiliin mo si Lucas? You are indeed stupid, Kei." she said and umalis siya sa harap ko. Sumunod sa kanya si Emi.

Nilapitan ako ni Mien. "Wala ako sa posisyon mo so why bother hurting you kung nasasaktan ka na sa simula palang? Naguguluhan ka lang." she said and umalis rin. Why do I feel so alone?

Nilapitan ako ni Ace. "Alam mo, kung lalaki ka lang baka bugbog sarado ka na sakin but I can't do that. Mahal ka kasi ni Rj kaso ang tanga mo lang!" he said and umalis sila sa harap ko.

Napaupo ako ng di oras. I'm so alone. Nobody was there for me. Mali nga ba yung decision ko. Naguguluhan ako. Kailangan kong magisip at kailangan ko ulit ng time para malaman sa sarili ko kung sino ba yung karapat-dapat sakin. Hindi ako pwede magstay dito.

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon