✓ CHAPTER 39: Start Over

4.9K 188 2
                                    

RJ

Last week...

I slowly open my eyes and malabo labo pa siya. I clear out my eyes hanggang sa unang bumungad sakin yung mukha ni Ian. Bigla niya akong niyakap.

"Bro!! Buti nagising ka. Akala namin tinuluyan ka na!"

"B-bakla ka b-b-ba?"

"Oh tingnan mo? Hindi pa nawawala ang mga memories mo! Buti nalang talaga!"

I look around and I can see almost everyone. Dad, Ian and others, sila Lez except si Kei. Nasaan siya?

"Congratulations, buhay ka pa!" -Lez.

"Pag nakalabas ka, magcelebrate tayo!" -Mien.

"Bro, himala ka!" -Vinz.

"It's a miracle!!" -Ace.

"N-nasan si Kei?"

Bigla silang nanahimik and they were not looking at me. Iniiwasan nila ang tumingin sakin. Bakit? Nasaan ba si Kei?

"Nasaan siya?"

"Wala siya dito kaya wag mo siyang hanapin." biglang sabi ni Ian.

Napatingin ako kay Ian. What's with them? Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako ni Ace.

"It's no use! We have to tell him. Pipilitin niya lang ang sarili niya kapag hindi pa natin sinabi." Lez said while roaming her eyes around them.

"Ano naman mapapala ni Rj kapag sinabi mo?" Vinz.

"Vinz, don't be too harsh kay Lez. Nagsusuggest lang naman siya eh." Emi.

"Tumigil nga kayo!" saway ni Ian sa kanila at saka siya tumingin sakin. "Bro, wag mo nalang siyang hanapin."

Bakit? Nasaan ba siya? Bakit may naaamoy akong hindi maganda atska ano bang nangyari sakin?

"K-kahit anong sabihin mo, mas kailangan ko si Kei. Pero bago yan, ano munang nangyari sakin?"

"Alam mo kasi bro, September yung huli nating buwan na binugbog tayo nila Adrian. Remember him?" panimula ni Vinz and I just nodded. "December na ngayon. From September hanggang October, nakacomatose ka. Then, by the middle of October, nalaman namin na may brain damage ka. Nung November na saka lang namin nalaman na nagaantay pala yung doctor ng consent ng daddy para ipasurgery ka. Ayun, pinasurgery ka namin then ngayon ka lang nagisin. Welcome to December!! Ang tibay mo! Sumakto ka sa araw kung kailan malapit na ang bakasyon." matuwa-tuwa na sabi ni Vinz pero ako, hindi.

Napayuko ako. "Ngayon sabihin niyo sakin, nasaan si Kei?"

Hinawakan ni Ian agad yung balikat ko. "Sabi ko sayo wag mo ng hanapin. You have to forget her!! Niloloko ka lang."

"Anoba!! You're crossing the line!! I-eexplain ko naman sa kanya kung bakit ginagawa ni Kei yun eh! Akala ko ba we're fine. Bakit sisiraan mo siya kay RJ?" sigaw ni Lez kay Ian with a dead glare.

"Fine!! Tell him!!" giveup na sabi ni Ian.

Lez look at me sincerely.

"After ng day nung nasurgery ka, nagpakita si Lucas kay Kei. I'm sure kilala mo siya."

Napayuko ako. Si Lucas? Nagpakita kay Kei. It was her ex boyfriend and alam ko, mahal pa siya ni Kei.

"Bumalik yung mga memories ni Lucas and he's waiting for her kahit alam niyang may fiance si Kei at ikaw yun. Nagkaroon ng project sila Kei at yun ang magcompose ng songs. She thought na kaya niya magisa pero hindi pala kaya pinilit niya yung sarili niya na humingi ng tulong kay Lucas to help her sa project nila. Ngayon, magkakaroon sila ng project trip sa Batangas and kasama niya pa rin si Lucas. Rj, believe me! I've tried so hard na i-explain sa kanya na mahal ka na niya since magmula ng magfiance kayo, unti-unti niyang nakakalimutan si Lucas. You are her cure kung paano niya makakalimutan si Lucas kaya imposible na hindi ka niya mahal. Rj, nakikinig ka ba?"

Mean Girls and Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon