Emi
Napabangon ako sa naamoy ko. I look at the side table and I saw a paper bag. Tiningnan ko yung laman niya at isang lalagyanan ng pagkain ang nakita ko.
Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya umayos ako ng upo but .. I smell something fishy!
Diniresto ko yung mata ko and GREAT! Pinauwi ko na to' ha. Bakit nandito pa yan? Tss. Hindi nako magtataka kung sino ang nagdala ng pagkain.
Naglakad ako papuntang CR. Tss! Mas gugustuhin ko pang umihi.
Binagsak ko nang napakalakas yung pintuan para magising siya. Di bagay sa kanya ang matulog. Nagmumukha siyang anghel na sa kaloob loobang ng ugat ay isang masamang damo.
Pagkatapos kong magcr, lumabas nako. Obvious naman talaga na lalabas ako. Alangan naman na magistay ako dyan.
Dire-diretso akong humiga sa higaan pero umupo muna ako. Nang dumiretso ang mata ko..
Prenteng-prente na siyang nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo at nakasuot ng salamin. Di bagay!!
Napatingin siya sakin.
"Bawal ka umalis sa higaan mo basta-basta."
"At kailan ka pa nakakita ng taong magpapaalam muna bago umalis ng ng higaan?"
"Baka kasi mahimatay ka nanaman."
Tinaasan ko siya ng kilay. Yung tipong kailangan humanda na siya dahil madami akong isasampal sa kanya.
"Kung alam ko sa sarili ko na mahihimatay lang ako sa tuwing babangon ako, edi sana natulog nalang ako. Para dun sa sitwasyon kong yon, tinuluyan nako habang tulog ako. Atska pwede ba kung makapagsalita ka dyan akala mo napaka professional mong tao. Wake up, Vinz. You are just a normal slash low-level citizen." sabi ko at humiga nako.
Nagkaroon naman ng katahimikan. Buti naman!
"Kumain ka na?"
Nagukat ako dahil nasa tabi ko na kaagad siya. Tss, tao pa ba tong' kasama ko?
"Kumain nako sa panaginip ko at kagigising ko lang." sabi ko at humarap sa kabilang side. Sino ba naman kasi hindi mabibwisit sa tanong niya?
"Ganun ba. Oh, ito! Nagdala ako ng pagkain. Kainin mo ha."
Bigla akong humarap dahil sa sinabe niya at umupo.
"Kung ipakain mo naman sakin yung dinala mong pagkain parang pinamukha mo na sakin na dapat kainin ko yan dahil pinaghirapan mo yan."
"Pwede rin."
"Tss." inirapan ko siya at bumalik sa pagakkahiga. Malangaw sana yang dinala niyang pagkain. Basta ako matutulog.
•
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARGH! KUNG DI LANG AKO GUTOM BAKA KANINA PA NAKARELAX ITONG PAGKAIN NATO SA PAGMUMUKHA MO."
Tinanggal niya yung earphone niya at ..
"Huh?!"
"WALA!!!" sabi ko at kinuha yung paper bag. Nakooo! Kung di lang ako gutom.
Ugh! Bwisit.
•
Pagkatapos kong kumain, pinaligpit ko na sa kanya yung kalat. Ano siya! Sinuswerte. Gusto niya ata ako pa ang magliligpit. Psh!
Bumalik nako sa pagkakahiga ko at ito muni-muni lang. Grr! Walang magawa. Madali pa naman akong ma-bwisit kapag walang ginagawa.
"Emi..."
BINABASA MO ANG
Mean Girls and Bad Boys
Teen FictionTwo known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edited for its wrong grammars and spellings. No plot has been added or removed.