Chapter 15

23.7K 813 27
                                    

Dahlia

Valentines Day

Love him wholeheartedly..

Nakangiting pinagmamasdan ko ang suot na polceras habang haplos ko iyon. Bumagay naman sa kamay ko at mukhang sinadya para suotin ko.

Napailing ako sa naisip bago umayos ng upo nang pumasok si Colorad dito sa loob kasunod nito si Analyn na may dalang mga folder.

Napatingin ito sa'kin kaya napangiti ako at ganun din ito.

"Sir, paalala ko lang ang events mamaya, 7pm." Isang tango lang ang isinukli ni Colorad bago nito pinirmahan ang folder at binalik iyon kay Analyn.

Lumabas na rin ito dala ang folder.

"Dahlia." Tawag ni Colorad sa'kin na agad kong kinatingin sa kanya.

"Sir?" Seryoso ang tingin nito na kinakurap ko.

"Pupunta ka mamaya?" Nangunot ang noo ko sa tanong nito.

"Saan, sir? Wala naman akong may pinupuntahan." Inosente kong sagot na kinatihimik na nito pero pansin kong parang may gusto itong sabihin pero hindi na nito tinuloy at bumalik na sa ginagawa nito.

Napailing na lang ako bago na rin bumalik sa ginagawa.

Pagsapit ng tanghalian ay agad akong nagpaalam kay Colorad na kinatango lang nito.

Nagpunta ako sa isang tiangge at bumili ng dalawang napkin. Hindi ko kase inasahang dadatnan ako ngayon.

Pabalik na sana ako sa loob ng gusali ng makasalubong ko si Analyn na ngitian ako pagkakita sakin.

"Dahlia, tapos ka na bang kumain?" Umiling ako na kinataka nito.

"Hindi pa ako kumakain dahil bumili ako nito." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng dala kong napkin na kinatango nito.

"Ganun ba?" Tumango ako at kita kong napaisip ito saglit bago tumingin sa'kin. "Samahan mo na lang kaya akong kumain sa apartment ko? Total ay malapit lang naman dito at doon ka na din magpalit."

Suhestiyon nito na kinangiti ko ng malapad bago hawakan ang isa nitong kamay.

"Talaga?" Tumango ito. "Sabi nang magiging magkaibigan tayo at sobrang saya ko dahil ikaw ang unang kaibigan ko dito!"

Ngumiti din ito bago pisilin ang kamay ko.

"Sa totoo lang din ay sayo ko nakita na katotoo kang tao at hindi plastic o mapanghusga kaysa doon sa mga katrabaho na'tin." Napansin din pala nito ang ugali ng mga kasamahan na'min at akala ko ay ako lang ang nakaramdam nun pero pati si Analyn pala ay tinatrato din nila ng iba.

"Huwag mo na lang sila pansinin. Ang mahalaga ay wala tayong inaapakan na tao at malinis ang konsensya na'tin." Napangiti kami sa isa't isa bago kami lumakad papunta sa apartment nito.

Marami akong napag-alaman tungkol kay Analyn at sa buhay nito. Pitong taon na pala siyang nagtatrabaho kay Colorad bilang sekretarya nito. Taga Davao ito at dito nakahanap ng trabaho at kumuha lang ng apartment. May nobyo na rin ito na mahigit isang taon na ang relasyon.

Naikwento ko rin sa kanya ang buhay ko at ang mga ginagawa kong masamang gawain noon. At, hindi nito hinusgahan ang pagkatao ko. Sa halip ay pinatatag pa nito sa mga payong salita sa'kin.

"Nga pala besh, ano 'yong events na sinabi mo kanina kay Colo— sir Colorad?" Muntik nang matabilas ang bibig ko na kinangiti ng mapanukso ni Analyn bago nito kinurot ang tagiliran ko.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon