Chapter 16

22.5K 750 22
                                    

Dahlia

The Game

Nandito ako ngayon sa apartment ni Analyn at inaayusan ang mukha ko habang todo tiis ako sa ginagawa nito. Nakapikit akong nakaupo dito sa harap ng kanyang salamin habang malaya itong pinapakialaman ang mukha ko.

"Sayang itong makinis mong mukha kong hindi mo ipapakita ang ganda nito." Bulalas nito na hindi ko na inintindi.

Nang matapos ito sa mukha ko ay buhok ko naman ang inasikaso nito. Nakakulot ang mahaba kong buhok at katamtaman lamang ang nilagay niyang palamuti sa mukha ko maliban sa pula kong lipstick.

Pagkatapos nun ay pinasuot ako nito ng isang bestida na kulay pula. Spaghetti style ito na tama lang sa katawan ko at hanggang ibabaw ng tuhod ko ang tela.

Simple lang ito at komportable ako kaysa doon sa ibang mga bestidang pinakita niya. Nahihiya akong suotin ang mga sexing damit na iyon na hanggang hita ko ba naman ang lagpas.

Nakangiting pumalakpak ng matagumpay ang mukha ni Analyn pagkakita sa ayos ko.

"Good job! Tiyak akong mababaliw nito si Mr. Hunstman!" Hindi ko gaanong narinig ang huli nitong sinabi dahil agad na ako nitong hinila sa kamay, matapos nitong maayos ang sarili.

Nakasuot naman ito ng kulay itim na bestida na hapit sa katawan nito at  lagpas tuhod ito pero litaw sa slit ang magkabilang hita nito.

Paglabas na'min sa bahay nito ay naghihintay na sa labas ang nobyo nito na makisig din sa suot nitong tuxedo na katerno sa suot ni Analyn.

Pwede daw magdala ng kapareha na iyong ka-date.

Pinakilala din nito ang nobyo sa'kin. Si Kyle, na gwapo at mabait din sa'kin kaya magaan din ang loob ko dito.

Sumakay kami sa kotse nito at habang nasa biyahe ay tinuon ko lang ang pansin sa labas habang hindi pinapansin ang paglalambingan ng dalawa sa harap.

Maya maya ay narinig ko ang pagtikhim ni Kyle.

"Pasensya ka na sa'min, Dahlia. Ganito lang kase kami ni Analyn pag magkasama." Tumingin ako at nagkibit balikat lamang bago tipid na ngumiti.

"Naiintindihan tayo niyan ni Dahlia, Babe. Mamaya ay si Mr. Hunstman naman ang maglalambing sa kanya!" Masama kong pinandilatan si Analyn na kinatawa lang nito bago humilig sa balikat ni Klye na kinailing naman nito sa'kin.

Pagdating na'min sa kompanya ay marami nang mga sasakyan ang nakaparada dito sa parking lot. Bumaba kami at lumakad na papasok sa entrance kung saan nakahanda na ang lahat. May mga pulang dekorasyon na hugis puso ang mga nakasabit sa paligid. May katamtamang ilaw na siyang nagbibigay saya sa paligid.

Mga lamesa at upuan sa gilid at nakahilaya din ang mga pagkain at inumin sa mahabang lamesa.

Mga kasuotang kumikinang at nagpapatalbugan sa isa't isa kung sino ang nangingibabaw sa lahat kasama ang kanilang kapareha.

'Without love, Life is boring.'

Basa ko sa temang nakasulat sa pulang karatolang nakasabit sa itaas.

"Dito tayo, Dahlia!" Hinila ako ni Analyn papunta sa isang lamesa at natatapilok pa ako sa taas ng takong pinasuot nito sa'kin.

Napalinga ako sa paligid at hinanap si Colorad pero hindi ko siya mahagilap.

Ilang sandali pa ay may nagsalita na kinatahimik ng lahat, hudyat na magsisimula na ang events.

"Good evening, Ladies and Gentlemen! Welcome and thank you for coming tonight! But before we start our events, I may call- on our beloved and handsome boss to give a short message. Let's give of applause to, Mr. Colorad Ermis Hunstman!" Sumigabong ang palakpakan ng lahat kasama ako na mula kung saan ay lumabas si Colorad na gwapong gwapo sa kanyang suot at lahat ng mga kababaihan ay napasinghap sa taglay nitong karisma.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon