Chapter 8

24.7K 831 87
                                    

Dahlia

Who's The Guy?

Pilit kong hindi tinatapunan ng tingin ang lamesang iyon kahit sinusuway ako ng mga mata ko. Mula dito sa gilid ay pasimple akong napasulyap doon.

Napangiwi ako at nakaramdam ng inis nung makitang kumakalingkis ang dalawang braso nung babae kay Colorad habang nakikipag-usap ito dun sa matanda at lalaki.

Dikit na dikit 'yong babae na gusto pa 'yatang magpakandong.

Sarap sapakin ng babaeng iyon—

Teka, teka, ano 'tong iniisip ko? Bakit ako nagkakaganito!?

Mariin akong napailing at iniwas ang tingin doon.

Saglit muna akong nagpaalam sa mga tropa at pumasok sa loob ng bahay. Napailing ako ng sa wakas ay makita ang banyo.

Naghugas ako ng kamay bago lumabas pero sa paglabas kong iyon ay may nakabunggo akong babae dahilan para matapunan ng inumin nito ang kanyang mukha at damit.

"What the f*ck!" Nanggalaiting hiyaw nung babae na marahas pinahid ang mukha bago tumingin sakin na may nanlilisik na mga mata.

"S-sorry po mam, hindi ko sinasadya.." Akma ko itong hahawakan nang tabigin nito ng malakas ang kamay ko bago hawakan ng mariin ang ulo ko dahilan para mahulog ang sombrerong suot ko at nagawa nitong masabunutan ang buhok ko na kinadaing ko at pilit itong pinipigilan.

"G*ga ka! Sinadya mong gawin iyon sakin!" Nahihilo na ako sa ginagawa nitong pagsabunot na dumidiin pa 'yong matutulis nitong mga kuko sa anit ko.

Ayoko sanang patulan ang babaeng ito kaso biglang nitong inuntog ang ulo ko sa pader dahilan para lalo akong mahilo at napadausdos sa sahig.

Nahawakan ko ang ulo at iginalaw iyon para mawala 'yong hilo ko.

"Walang kwentang babae! Iyan ang bagay sayo!" Dumilim yong mukha ko sa binigkas nito.

Tumayo ako ng mabilis at marahas na sinabunutan ang maiksi nitong buhok na kinahiyaw nito ng malakas.

Natumba kami sa sahig at nagsabunutan doon habang nasa ibabaw ako nito.

"Enough." Nang bigla akong mawala sa ibabaw nung babae at hawak ang magkabilang braso ko ng kung sino.

Natingnan ko ang gilid ko na hawak nung lalaki ang kaliwang braso ko habang sa kanan naman ay si Colorad na madilim ang mga mata sakin bago nito titigan 'yong lalaki.

"K-kasalanan ng babaeng 'yan! Binunggo niya ako at sinabunutan— look at my dress!" Umiiyak na pagsumbong nung babae na umaktong inosente sa nangyari.

Marahas akong kumalas at hinarap ito.

"Hindi ko sinasadyang mabungguan kita at humingi naman ako ng tawad sayo—"

"What's happening here?" Nakakatakot na boses nung matanda ang siyang nagpatigil sa'min.

Madilim ang mukha nitong nagtatanong. Kasama nito 'yong babae na kahalikan ni Colorad na kita kong tinaasan ako ng kilay.

Napayuko ako at napahawak sakin mga kamay.

"Tito Marianno! That b*tch ruined my dress! Sinabunutan pa ako!" Sumbong din nito sa matanda na kinaangat ng tingin ko.

Napadako sakin ang mga mata ng matanda na kinakurap ko.

"Is it true?" Tanong ng matanda na seryoso akong tinitigan.

Agad akong umiling iling.

"Siya po sir ang unang nanabunot kaya pinagtanggol ko lang 'yong sarili ko." Magalang kong sambit habang nakatitig sa matanda na nakipagtitigan din sakin bago bumaling doon sa babae.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon