Dahlia
His Money
Malapad ang ngiti kong napahalik sa hawak na pitaka. Dahil tiyak akong marami itong laman na pera at tiba tiba ako nito. May maibibili na kaming ulam at gamot ni Nanay.
Sumisipol ako habang naglalakad dito sa eskenita at may malapad na ngiti sakin labi. Hindi ako naawa doon sa ninakawan ko dahil tiyak naman akong mayaman iyon. Baka nga tinawanan na ako nun dahil barya lang ang nakuha ko para sa kanya. Kakarampot na pera kumpara sa kwarta niya doon sa bangko. Kaya hindi ako nakakaramdam ng konsensya kapag mayayaman ang tinatarget ko. Kaso kadalasan kong nakukuha at kupit ay maliit na halaga lang. Ang mas malaki kong kupit ay three thousand lang. Mayroon kasing mayaman na sobrang kuripot.
"Oy! Ang ganda ng ngiti mo Mega, huh!" Napatigil ako at nakita ang kaibigan kong bading.
"Yes, Ging!" Iwinagayway ko dito ang hawak kong pitaka na kinalaki ng mga mata nito.
"Wow! Ang yaman ng pitaka! Ambunan mo ako, Mega. Huh!"
"No problem, Mega! Kapag malaki itong pera. Bye!" Iniwan ko na ito at dumiretso sa aming bahay.
Pagpasok sa loob ay agad akong napasalampak sa sahig. Napatingin ako sa lamesita na may dalawang pinggan natatakpan. Napangiti ako dahil tinirhan ako ng mga kapatid ko. Kadalasan kasi ay inuubos nila dahil kakarampot lang din ang kanin at ulam namin.
Tiningnan ko ang hawak na pitaka bago iyon binusisi. Agad nanlaki ang mga mata ko sa perang nakapaloob dito. Mabilis kong kinuha iyon at binilang ang makapal na pera.
"Thirty thousand!" Naibulalas kong hiyaw na agad napatakip ng aking bibig sabay lingon sakin paligid. Kita kong tulog na ang mga kapatid ko na nasa katre at napahinga ako ng maluwag na hindi sila nabulabog sa boses ko. Muli ay napatitig ako sa perang hawak hawak ko.
Sobrang laki ng perang ito para sa'min! Mababayaran narin 'yong mga utang namin sa wakas!
Napapikit ako at napangiti sabay dala ng pera sa aking dibdib. Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong kalaking pera sa tanang pagnanakaw ko.
"D-dahlia, anak.." Napamulat ako ng marinig ang sunod sunod na pag-ubo ni nanay. Agad kong naibalik sa pitaka ang pera at tinago iyon sakin maliit na bag. Pinuntahan ko siya at kita kong akma siyang babangon kaya maagap ko siyang inalalayan at pinasandal sa dingding. Kinapa niya ang mukha ko na kinapikit ko sabay hawak ng kamay niya. "B-bakit gising ka pa? Alam kong gabi na sa ganitong oras."
"N-nauuhaw po kasi ako nay, kaya napabangon ako at uminom ng tubig. Bumalik na po kayo sa inyong pagtulog." Muli ko siyang inalalayan pahiga sa katre at kinumutan dahil napakalamig ng gabi ngayon. Mukhang uulan pa yata na hindi ko gustong mangyari dahil tumutulo 'yong bubong namin.
"Matulog ka na din, anak." Tumango tango ako kahit hindi niya nakikita.
"Sige po, nay." Hinalikan ko ang kanyang noo bago umayos ng tayo at pinagmasdan ang kalagayan ng aking ina. Tumulo muli ang aking mga luha na hindi ko napigilan. Awang awa ako sa kay nanay at ramdam ko lagi ang sakit sa sitwasyon niya. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil sa pamilya ko at dahil gusto kong maipagamot ang sakit ni nanay. Ayokong nanonood lang ako dito sa kanya habang dinadanas niya ang ganyang kalagayan. Ayoko na wala akong gawin para matulungan siya. Mahal na mahal ko si nanay kaya lahat ay gagawin ko maipagamot lamang siya sa tamang pagamutan. Ngayon na malaki itong nakuha kong pera ay maaari ko nang maipagamot si nanay. Kahit papaano ay maibsan ang kanyang dinaramdam.
Napahinga ako ng malalim bago pinunasan ang mga luha ko. Lumabas na ako at tumabi ng higa sa mga kapatid ko. Hinalikan ko ang mga noo nila isa-isa bago ako nahiga habang yakap yakap ko ang aking bag.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
قصص عامةColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...