COLORAD
Embracing All Of Him
Dumilim ang mukha ko pagkakita sa babaeng pumasok sa loob ng isang Chinatown. Nakangiti pa ang mukha nito habang bitbit ang ninakaw sa'kin.
Damn woman. Isang magnanakaw pala ang binabaan ko noong isang gabi.
Matinik ang kamay nito at hindi ko man lang naramdaman na kinukupit na nito ang wallet ko.
Noong nawawala ang wallet ay isang tao lang ang pumasok sa isip ko. At iyon nga ang babae noong isang gabi.
Talagang nagdisguise pa para hindi siya makilala, but I am more smarter than her. Nakilala ko pa rin siya.
Dahlia Romero. Single. Twenty one years old. Lives in Binondo. Four siblings. Mother is alive with disability. Father is dead because of shooting encounter. Twelve years of being a snatcher.
"She's really to selling my wallet, huh!" Mahina kong sambit habang nakaupo dito sa loob ng kotse ko.
Mariin ang pagkakahawak ko sa manibela, animo'y doon ko binabaling ang inis sa babae.
Napaayos ako ng upo nang mamataan na lumabas na ang babae.
Nakangisi ito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa hawak nitong pera, mamaya ay hinalikan pa nito ng matunog bago umalis.
"Fvck, woman! Binenta nga ang wallet ko!" Galit kong sambit bago binuksan ang gilid ko at lumabas.
Kung hindi lang dahil sa mga IDs ko ay hindi ko hahabulin ang wallet ko. And also, it's has a sentimental value for me.
Because my Lola Catherine was personally made that wallet for me. Ako lang talaga ang binigyan niya at wala noon ang mga kakambal ko.
Marahas akong napabuga ng hangin bago pumasok sa loob ng Chinatown.
Hinanap ko sa kumpulan ng mga bloke ng accessories kung saan ibinenta ng babaeng iyon ang wallet ko.
Ilang bloke pa ang natanungan ko bago ako napahinto dito sa pinakahulihang pwesto ng makita kong nakadisplay sa loob ng krystal na istante ang wallet ko.
Fvck! Fifty thousand lang talaga ang presyo?
Kalahating milyon diyan ang nagasto ni Lola Catherine!
"Sir, anong bibilhin na'tin?" Isang turko ang lumitaw sa harap ko.
"That wallet." Tiningnan nito ang tinuro ko pagkatapos ay malawak ang ngiting kinuha iyon.
Pinasulat pa ako nito sa information book nito bago binigay sa'kin ang wallet ko, ng makabayad ako checke.
Alam kong wala na ang laman ng wallet ko. Tiyak akong nandoon sa babae ang mga IDs ko.
Damn, woman!
"Colorad!" Napakislot ako ng biglang may tumapik sa magkabilang pisngi ko. Si Dahlia at nagtataka ang mukha.
"Ano iyon, Love?" Nakangising hinapit ko ang kanyang beywang sabay himas ko sa tiyan niya, medyo may umbok na doon.
"Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang wala sa husto ang isip mo. Anong iniisip mo?" Hinawakan ko ang kanyang baba at mabilis na kinantalan ng halik.
"Nothing. I'm just thinking of you." Nakangising sambit ko na kinapula ng mukha nito.
"C-colorad, baka mabulunan ako!" Pag-iwas nito bago sumubo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...