Dahlia
Her New Job
Puno ng kaba ang dibdib ko ngayon habang nakaupo dito sa likod ng magarang sasakyan na pinadala ni Colorad na sumundo sakin.
Nakasuot din ako ngayon ng pormal na damit kaya nakaayos ang buhok ko at may konting palamuti sa mukha ko, na hiniram ko pa kay Rose.
Muli akong napahinga ng malalim at pilit pinapakalma ang kabang nararamdaman ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba kung ano ang magiging trabaho ko.
Wala akong karanasan sa professional na gawain at lalong hindi ko iyon napag-aralan.
Natatakot akong magkamali o kaya ang mapaalis agad sakin trabaho. Baka isang pagkakamali ko lang ay tanggal na agad ako.
Ayoko ko 'yon mangyari kaya lahat ng makakaya ko ay ibibigay ko.
Laban lang, Dahlia!
"Miss, Dahlia. Nandito na po tayo." Napatingin ako kay kuyang driver na tiningnan ako sa salamin bago ko itinuon ang pansin sa labas.
Kita ko sa unahan ang isang matayog na gusali na napapaligiran ng iba pang improstuktora.
Napangiti ako at nagpasalamat sa driver nang buksan nito ang pinto.
"Salamat." Lumabas ako at mas lalong lumaki ang mga mata ko sa paghanga sa naturang gusali.
HUNSTMAN AUTOMOTIVE COMPANY.
Lumakad na ako at muntik pang matapilok dahil sa sapatos kong may takong na hindi ko pa naman nakasanayan.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglakad papunta sa may entrance. May isang guard ang nakabantay doon na kunot noong sinipat ang mukha ko pagkalapit ko.
"Good morning, ma'am. Dahlia Romero?" Tanong nito na mabilis ko naman kinatango kahit nagtatakang nakilala ako nito.
"Ako nga." May kinuha ito sa drawer ng lamesa at nilahad sa akin.
Isang I'd iyon na mukha ko at pangalan ang nakalagay.
"Ito po 'yong I'd niyo ma'am, pakisuot na lang." Tumango ako at kinuha iyon bago sinuot.
Binuksan ng guard ang krystal na pinto kaya nagpasalamat ako bago pumasok. Napalapit ako sa isang lamesa at nagtanong muli doon.
"Good morning, miss. Pwede bang magtanong kung asan dito 'yong opisina ni Colorad Hunstman?" Tiningnan ako ng babae bago ito ngumiti at magalang na sinagot ang tanong ko.
Tinuro nito ang elevator kaya pumasok ako doon. Napahinga ako ng maluwag ng may elevator girl dito.
Pinindot nito ang binigay kong numero at ilang sandali pa ay tumigil iyon. Bumukas ang elevator kaya lumabas na ako.
May ilang mga empleyado na akong nakita sa mga lamesa nila at nagtatrabaho na habang kaharap ang computer.
Lumapit ako sa may edad nang babae at nagtanong doon.
"Good morning, ma'am. Asan dito 'yong opisina ni Colorad Hunstman?" Tumigil ito sa ginagawa at tiningnan ako bago dumako ang tingin nito sa I'd ko.
"Nasa conference room si sir, hintayin mo na lang." Tumango ako at nagpatuloy na ito sa ginagawa.
Pansin ko ang pagbulungan ng ibang empleyadong sinisipat ako ng tingin. Hindi ko pinansin iyon at naghintay lamang dito sa tabi.
"Hi, sir Steve! Good morning." Bati ng ilang mga empleyadong babae sa gilid ko kaya natingnan ko iyon at nagulat ako ng makita si Steve na nakasuot ng simpleng tshirt at pantalon pero taglay pa rin nito ang kakisigan.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...