Dahlia
She's Familiar
Kinabukasan nga ay dumalaw sa bahay si Jessie na may dala pang chocolate at bulaklak para sakin. Pati nga mga kapatid ko ay mayroon din na kinatuwa naman nila at agad iyon nilantakan. Sa ginawa ng lalaking ito ay iisipin kong nanliligaw ito sakin pero hindi naman siguro. Hindi naman ito papatol sa kagaya kong snatcher at isa pa ay wala din akong pagtingin sa kanya at tanging kaibigan lamang ang turing ko sa kanya. Alam kong ganun din siya at itong pinapakita niya ay walang malisya. Nagdala din ito ng prutas para kay nanay. Nang masolo kaming dalawa ay sinuntok ko ang braso nito na kinataka naman niya.
"Bakit?" Peke nitong hinimas ang brasong nasuntok ko ng mahina lamang.
"Nanliligaw ka ba sakin?" Diretsahan kong tanong habang nakataas ang kilay kong titig na titig sa kanya. Ikalawang beses na niyang pumunta dito at katulad ng nauna ay ganoon din ang kanyang ginawa at hindi ko pinansin ang mga iyon dahil wala naman sakin. Pero ngayon ay gusto ko lang siyang komprontahin.
Kita kong mariin itong napailing.
"Sus! Hindi ko type ang madaldal at maangas na babaeng katulad mo no!" Tinaasan ko ito ng kilay at pinagkrus ang mga kamay sakin dibdib.
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Hindi din naman kita type kong manligaw ka." Natigilan ito saglit pero biglang napangiti at para bang nagningning ang mga mata nito.
"Kung manligaw ba ako ay sasagutin mo?" Tumawa lamang ako sa sinabi nito.
"Nagpapatawa ka ba? Siyempre hindi! Hindi nga kita type." Muli itong natigilan bago napailing sakin.
"Wala na talaga akong pag-asa." Hindi ko maunawaan ang binulong nito.
"Ano?"
"Wala. Sabi ko ay samahan mo ako sa mall." Kumunot ang noo ko.
"Anong gagawin mo sa mall?" Pansin kong parang nabadtrip ito. Hindi ko alam kung saan o baka sa sinabi ko. Wala naman akong may nasabi na masama.
"Siyempre may bibilhin ako! Ano bang ginagawa sa mall?" Siya naman ang namilosopo sakin na kinatirik lang ng mga mata ko.
"Edi, ikaw mag-isa ang umalis! Wala akong pera at marami akong gagawin ngayon." Lumapit ito sakin at bigla akong inakbayan na kinasama ng tingin ko. Nginitian lamang niya ako.
"Magtatampo ako kapag di ka sumama." Siniko ko ito na kinailag naman niya. Binablackmail pa ako ng mokong na ito.
"Sige na nga, pasalamat ka at kaibigan kita!" Sabi ko na masama ang tingin sa kanya. Nginisihan lamang niya ako bago halikan ang ulo ko at hinigit pa sa katawan niya. Hindi ko naman ito mahindian dahil narin sa mga tulong niya.
Nagpaalam kami kay nanay at sinabihan ang mga kapatid ko na bantayan nila siya. Mabuti at sabado ngayon ay walang pasok kaya may magbabantay kay nanay.
ALAS nuebe kami nakarating ng CoRinHun Mall. Ang pinakamalaking shopping mall sa buong bansa. Pang world class pa ang dating at pwedeng ipagmalaki sa buong mundo. Sa katunayan lang ay ito ang unang pagkakataon na papasok ako dito. Pangarap ko pa na dalhin ang mga kapatid ko dito pero malabo na sigurong mangyari iyon.
Napapitlag ako ng may umakbay sakin.
"Ang lalim ng iniisip na'tin ah!" Napailing ako at tipid na ngumiti.
"Wala. Saan ba tayo pupunta? Bilisan mo po!" Mahina itong napatawa kaya kinalas ko ang kamay nito at nauna nang maglakad. Marami nang tao ang nandito at karamihan sa makakasalubong ko ay magkapamilya na masaya ang mukha at buo ang pamilya.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...