Chapter 35

20.5K 698 39
                                    

DAHLIA

Jealous

Parang prinsesa akong lumalakad dito sa mataas na hagdan pababa sa akin nasasakupan. Ang taas at nakakaluha naman ang hagdan dito. Todo kapit pa ang ginagawa ko. Sa totoo lang kase ay  first time ko kaya sa ganitong karangya na bahay, kaya medyo naninibago pa ang magandang prinsesa.

Nakangiting tinapik tapik ko ang aking mukha dahil sa'kin naisip.

Hinahanap ko si Colorad, dahil paggising ko kanina ay wala na siya sa  tabi ko. Iniwan akong mag-isa at hubo't hubad sa ibabaw ng kama.

Nasaan kaya si Colorad?

Pagbaba ko ay hinanap ko si Colorad, pero hindi ko siya makita. Sa lawak ng bahay ay hindi ko alam kung nasaan si Colorad.

Nasaan din kaya ang buong pamilya ni Heresa?

Nagtaka ako dahil wala din sila dito sa loob ng bahay.

"Good morning po, Ma'am." Napapitlag ako sa isang kasambahay na biglang dumaan sa likod ko.

"M-magandang umaga din. Pwede po ba magtanong kung nakita mo si Colorad?" Maagap kong tanong sa akma nitong pag-alis.

"Nandoon po sila sa pool, Ma'am." Tumango ako bago nilibot ang tingin ko kung nasaan ang pool nila dito. "Samahan ko na po kayo, Ma'am."

"Talaga? Salamat." Napahinga ako ng maluwag habang lumalakad kami. Akala ko ay maliligaw ako kakahanap ng pool.

Lumiko kami sa kaliwa at lumakad sa bandang dulo na kita kong mayroon krystal na dingding at pinto. Sa labas ay kita ko ang malawak na pool. Nandoon din ang buong pamilyang Hunstman.

"Sige po Ma'am maiwan na kita " Tumango at napangiti ako sa kanya.

"Maraming salamat." Lumakad na ito. Ako naman ay nagdadalawang isip kung lalabas ako doon o bumalik na lang sa silid na pinanggalingan ko.

Kinakabahan ako at mukhang nagkakasiyahan ang pamilya ni Colorad sa labas.

Humugot ako ng hangin bago ako humakbang. Humawak ako sa pinto at binuksan iyon. Akma na akong lalabas ng bigla akong matigilan dahil sa'kin nakita. Kasabay noon ay nanlamig ako at napako ang mga paa ko sa'kin kinatatayuan.

"Thanks, Ermis! You're my savior and I love you!" Napatakip ako sa'kin bibig. Kitang kita kong hinalikan noong babae sa labi si Colorad.

Napaatras ako at napatalikod.

"Don't do that again." Napapikit ako ng marinig ang boses ni Colorad. Kasabay ng paghawak ko sa'kin dibdib dahil parang pinipiga ito sa sobrang kirot. Sumisikip ito at pati ang paghinga ko.

Tarantado kang Colorad ka! Ang aga aga nakikipaglandian ka sa ibang babae, ha!

Pumikit ako para pigilan ang mga luha ko. Pero napapitlag ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Kinisap ko agad ang aking mga mata.

"Bakit nakatayo ka diyan, Iha." Inihanda ko ang aking ngiti bago humarap kay Ginoong Conrado.

"M-magandang umaga po, Sir. Conrado." Yumuko ako para magbigay galang sa kanya.

Kinakabahan dahil nakakakaba ng husto ang presensya ni Ginoong Conrado. Ayoko din tumingin sa mga mata nito. Para bang nababasa nito ang iniisip ko.

Kahit si Colorad ay ganoon din. Katulad sa Ama nito.

"Hindi lahat ng nakita mo ay totoo kaya huwag kang mangamba." Napatingin ako kay Ginoong Conrado. Nakatitig ito sa'kin ng seryoso. Kita ko sa mga mata nito na mayroon siyang pinapahiwatig sa'kin pero hindi ko maunawaan iyon.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon